Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (19 votes, average: 4.32 stars)
Loading...

Thank God I Found You Magic, Pihikan – Juan Thugs Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Thank God I Found You Magic, Pihikan – Juan Thugs

Maraming salamat at natagpuan ko na ang babae
na para sakin at makapiling ko
Makasama ka’t makayakap,kasama ka saking mga pangarap,
ikaw ang ibig ng pusong makapiling ko…

Ano bang nagawa kong kabutihan upang ako’y pagpalain ng Diyos
ng tulad mong lubos
Na bumago sa lahat ng pananaw ko,pangalan mo ang syang sigaw ko
Nawa’y wag kanang mawala pa dito sa piling ko
Magmula ng makasama ka hindi na mapakali sayo
Ang puso kong walang ibang alam kundi ang umibig sayo
Hindi nasayang ang paghihintay sa pagdating mo,sa pagdating mo
Ang tulad mo’y minsan lang dumaan sa buhay kong ito
Hindi ko sasayangin ang pagkakataon kong ito
Sumabay ka nalang sakin sa pagtayo,pangako ko ako’y sayo,
walang hinto,habang buhay na tayo…

Maraming salamat at natagpuan ko na ang babae
na para sakin at makapiling ko
Makasama ka’t makayakap,kasama ka saking mga pangarap,
ikaw ang ibig ng pusong makapiling ko…

Ako ay nagpapasalamat sa poong Maykapal
Dahil sa binigay ka nya sakin at ngayon ay nandito ka,aalagaan,mamahalin kita
Hindi ko sasayangin pagkakataon na ibinigay
Simulang ako’y lumbay,nag-iisa,puro lungkot ang nadarama
Ngayon biglang dumating ka,nakakatanggap na muli ng ligaya
Kaya nga saking mundo’y nagbalik,pinagpalang puso dahil ikaw ang pinili
Ginawa mong tanggapin ang lahat sa akin,minahal mo ko nang labis
hindi ko akalain
Tanging panalangin ko lang sa atin ay walang makakahadlang
Tayo’y pinagtagpo nang Diyos upang maging isa
Magkapareho na nagmamahalan hanggang saking huling hinanga
Hindi magsasawang sabihin na minamahal kita…

Maraming salamat at natagpuan ko na ang babae
na para sakin at makapiling ko
Makasama ka’t makayakap,kasama ka saking mga pangarap,
ikaw ang ibig ng pusong makapiling ko…

Paalam na,sinabi ko
Mahal kita,hindi ko na ipinilit pa ang puso ko sa kanya dahil nga mahal kita
Sayo ko naramdaman ang sinasabi nang pag-ibig
Hindi napaghandaan nung ako’y biglang napatitig sayong mga mata
Ligaya na kay tamis,hindi napigil sarili nung araw na iyong dininig
Ang lahat ng ipinagpapanalangin ko na itinupad ng isang katulad mo
Wala na kong iba pang mahihiling kundi ang tayong dalawang ito
ay biglang maging magkasintahan
Na mauuwi na rin sa kasalan kailanman hindi-hinding tayo maghihiwalay
Hanggang umabot sa sukduklan ng aking kamatayan
Upang mapatuloy ko na kaya lahat patunayan
Pag-ibig sayo’y higit pa sa buhay ko
Ang bawat araw ikaw nais makapiling ko
Habang buhay tayo’y magkasabay,hawak kamay lalakad tayo…

Maraming salamat at natagpuan ko na ang babae
na para sakin at makapiling ko
Makasama ka’t makayakap,kasama ka saking mga pangarap,
ikaw ang ibig ng pusong makapiling ko…

Kay bait talaga nang Panginoon
Akalain mong ipagkaloob nya sa akin ang isa sa kanyang mga anghel
Para paamuhin ang pagkasutil at inilayo ako sa madilim
kahit hindi ko naman hinihiling
Dumating ang nararapat ko na mahalin,pagkakataong hindi ko sasayangin
Dahil mistulang hulog ka nang langit para sakin giliw
ang dating gago ay pinagbago mo
Kaya sa iyo lang ibubuhos ang lahat walang kahati
Hawak mo ang titulo ng puso ko na pag-aari
Asahan mo itong pangako ko na mananatili ako bilang isa sa iyong bahagi
Ikaw lang ang syang dahilan kung bakit lumulutang
Ako ay nasa kaligayahan salamat sa poong Maykapal
Alam niya na ikaw ang kailangan ko girl
Ang natatanging kabiyak ng puso ko kaya sakin ka iniregalo…

Maraming salamat at natagpuan ko na ang babae
na para sakin at makapiling ko
Makasama ka’t makayakap,kasama ka saking mga pangarap,
ikaw ang ibig ng pusong makapiling ko…

Sa tagal-tagal ng panahon sa wakas ay natagpuan ko na
Ang babaeng para sakin habang buhay kong mamahalin
Ako’y mapalad sapagkat agad kong nakilala
Ang katulad mo laging yakap ko na palaging nasa piling ko
Maka-asahan mo ang pinangako ko sayo
Na hindi kita paluluhain o kahit saktan
Ibig ko sana na malaman mong ika’y nag-iisa
Ang babaeng papakasalan upang ang puso natin maging isa
Salamat sa poong Maykapal at binigay ka nya sa akin
Ang katulad mo,ang katulad mo matagal ng hinahanap ko
Pakatandaan mo na,pakatandaan mo na lagi mong isipin na
Lalo kong pagtitibayin ang pagmamahalan natin…

Maraming salamat at natagpuan ko na ang babae
na para sakin at makapiling ko
Makasama ka’t makayakap,kasama ka saking mga pangarap,
ikaw ang ibig ng pusong makapiling ko
ikaw ang ibig ng pusong makapiling ko