Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (13 votes, average: 4.31 stars)
Loading...

Habang Kayakap Ka – Zendee Rose Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Habang Kayakap Ka – Zendee Rose

Sa bawa’t nagdaang araw
Hinahanap-hanap
Iyong mga lambing
Dama lang sa ‘yong piling

Sa tamis ng pagsinta’y
nangungulila
Uhaw sa ‘yong halik
Sa t’wina’y nananabik

Nanlalamig na puso’y ating pagbigyan
Sa gabing ito, ako’y iyo lamang

Chorus:
Ibubulong habang kayakap ka
Ibibigay ngayong kapiling ka
Ang nadarama na init ng pagmamahal
Habang ating pinapatila ang ulan

T’wing ako’y umiidlip
Nananaginip
‘Yong labing kay tamis
Yakap mong kay higpit

At sa pagbuhos ng ulan,
Tayo’y sumilong
Pawiin ang lamig
Pag-ibig ay damhin

Videokeman Search