Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...

Rakizta – Zardy Feat Bangsamoro Family Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Rakizta – Zardy Feat Bangsamoro Family

[Chorus]
Ako’y rakiztang nangangarap na makasama ka
at ang gitarang aking hawak sa’yo ilalaan
Ngunit ako’y nasa likod lang ng aming bokalista
at sana’y mapansin ako kahit ako’y isang Rakizta

ang boses ko’y di mo marinig
ang puso ko’y sa’yo pumipintig
sana’y mapansin ang bawat titig ko sa’yo
mahal na mahal kita sana ay mapansin mo

Bawa’ tono na lumalabas sa aking gitara
naglalahad ng aking pagmamahal sa iyo
kahit di mo pinapansin
patuloy pa ring aawit para sa’yo

[Chorus]
Ako’y rakiztang nangangarap na makasama ka
at ang gitarang aking hawak sa’yo ilalaan
Ngunit ako’y nasa likod lang ng aming bokalista
at sana’y mapansin ako kahit ako’y isang Rakizta

Sa pagtugtog ng gitara, sana ay mapansin mo
anglihim na tunog na gustong ipahiwatig sa iyo
nanananatiling matatag ako dyan sa puso mo
tuloy lang sa pag-awit magunaw man ang mundo

Sa likod ng mga tilian hindi ka iiwanan
pagmamahal ko sa iyo ay walang hangganan
Gitarista, bokalista metro lang ang ating pagitan
dinudumog ka ng lahat persensya ko ay nalilimutan

Ka grupo’t kaibigan lamang ang turing mo sa kin
at isipin na ganon masakit to sa damdamin
pero tuloy pa rin tunog ng buhay natin
at umaasa akong matututunang mahalin

At pangakong mamahalin ka sa panghabang-buhay
tayong dalawa maglalakbay sa tunog ng buhay
instrumentong musika ito’ng magpapatunay
ikaw at ako magkasama sa habang buhay

[Chorus]
Ako’y rakiztang nangangarap na makasama ka
at ang gitarang aking hawak sa’yo ilalaan
Ngunit ako’y nasa likod lang ng aming bokalista
at sana’y mapansin ako kahit ako’y isang Rakizta

Habang hawak ang gitara ay naaalala ka
sa baba ng entablado nakatingala ka pa
habang ako’y nasa likod emosyon ko’y nasa iyo
lahat-lahat ginagawa para lang mapansin mo

Subalit di mo mapansin dahil sa aming bokalista
nakaharang sa ‘king harapan kaya di mo ‘ko makita
sana ay mapansin mo ang lihim ko na pagtingin
na di kayang sambitin naglalaman ng aking damdamin

Sa pagpatak ng aking pawis kasabay nito ay luha
sa gitarang aking hawak na nagsisilbing mata
sa dalagang nakatago sa harap ng bokalista
bituin na taga-hanga ng pusong di matanaw

di mo man ito makita patuloy pa rin na sisigaw
gamit ang gitara ko isisigaw pangalan mo
sa tinig ng musika ipapadama ko sa’yo
ang nilalaman ng puso laman ng aking puso

[Chorus 2x]
Ako’y rakiztang nangangarap na makasama ka
at ang gitarang aking hawak sa’yo ilalaan
Ngunit ako’y nasa likod lang ng aming bokalista
at sana’y mapansin ako kahit ako’y isang Rakizta