Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (13 votes, average: 4.54 stars)
Loading...

Tamang Landas – Zaito Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Tamang Landas – Zaito

Dumarating sa buhay
di ko maiwasang magipet
may pagkakataon tadhana tila napaka malupet
ako ay simpleng tao kayang sumabay sa bawat daloy
minsan naging kabilang sa mga batang palaboy
simulat sapul tanong sa aking isipan ay bakit
kailangan dumaan sa mga ganitong pasaket
ang hirap ng naranasan at sa bawat pighati
kahit kinukutya si zaito pinipilit magwagi
dahil sa bawat laban di ko magawang umatras
akoy pumapalag kahit minsan hindi parehas
sa laban gamit ko ay utak at talim ng aking letra
ang sakit kapag inabot parang ipin ng pirana
pero ni minsan hindi ko nakalimutan ang taas
dahil siya ang nag bigay nitong talino at lakas
ngunit sa kabila naroon ang aking lungkot
dahil hanggang ngayon hindi ko mahagilap ang sagot
*Chorus
Eto ba ang tamang landas
saan ang tama at saan ako dapat umiwas
sa pagkakataon ako ay naguguluhan
sinong kakampi at sino ang aking lalapitan
*Repeat Chorus.
maraming bagay saking buhay na gusto ko nang limutin
at mga karanasan parang ayoko nang isipin
mga ala-alang sa isip kusang bumabalik
na parang sugat na likha ng parang maapakan ang tinik
sa mga kabataan gusto ring pasukin ang laro
tibayan ang loob sa bawat pagdapa ay tumayo
muling bumangon at isipin normal ang pagkabigo
hanggang sa maabot mo ang pangarap na buong-buo
ilang malalaking pagsubok ang saakin nagdaan
malahigante ang laki pero pinilit lagpasan
hinde ako nagpasindak sa malahlimaw ang bangis
pinilit kong tapusin ang tula ko ng walang mintis
at kahit pa sunod-sunod ang kaliwat kanang batikos
bawat hawak ng micropono ay maaga kong tinapos
di ko na kailangan pahabain ang salaysay
kaya kong pasiklabin kahit walang pamaypay
*Repeat Chorus 2x
pag dumating ang oras na akoy muling magigipet
ayokong mag isa na parang nasiraan ng bait
sa mga sandaling hindi ko mapigilang maiyak
hiling ko sanay nasaking tabi asawa ko’t anak
dahil silay mga munting anghel nagbibigay lakas
para sakin ang pagmamahal walang katumbas
di kayang pantayan ng salapi ginto’t karangyaan
ayokong dumating ang oras na ako ay sumbatan
walang kasing halaga saakin ang pagibig na taos
may kusang tulong na hindi ka umaasa ng tubos
ang tunay mong kaibigan na handa sayong mag malasakit
at handang magsakripsyo ng walang kapalit
akoy kasama nyo hangang sa dulo ng paglalakbay
kahit huling patak ng tubig ay handa kong ibigay
sa tulad mo na minsan narinig itong awitin
saan mang dako ito ay lagi mong baunin
*Repeat Chorus 3x

Videokeman Search