Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...

Ayoko Na – Zaint Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Ayoko Na – Zaint

Verse 1

Tama na akoy puno na
Sawa na sa sakit na iyong ipinadama
At kung may balak kang bumalik ay ayoko na
Dahil diko na kaya na muling makita ka

Binalewala mo lahat ng aking paghihirap
Sinayang mo lamang ang aking pagsusumikap
Natuwa ka ba sa iyong pananakit
Ako ba ay minahal mo kahit na saglit

Kahit umoo ka sa tingin ko ay hindi
Dahil kahit kelan dika tumangap ng mali
Kahit kelan ako ay hindi mo sineryoso
Akoy binulag mo sa iyong panloloko

Sige na anjan na yun pala’y nasa iba
Mahal kita nagiisa kasinungalingan pala
Di ka bagay sakin yan ang dapat mong isipin
Dahil di ako tanga na pwede mong loko lokohin

(chorus)
Ginawa ko nang lahat para ikaw ay sumaya
Sa huli ako din ay nag iisa
Tama na ayoko na tama na
Ayoko na ayoko na ayoko na

Verse 2

Wag mong sabihin sakin kung ano ang dapat
Dahil sating dalawa ikaw ang di naging tapat
Para sa iyo ay tinangap ko ang lahat
Pero sa iyo ako’y hindi pa rin naging sapat

Sinakripisyo na ang sariling kasiyahan
Ngunit makasarili ka wala kang kasiyahan
Habang hawak mo ako ay may hawak kang iba
Pagsisisi ay na sakin bat ngayon lang napuna

Na wala ka pala sakin hinangad na maganda
Na ang pag tingin mo ay nakatuon na sa iba
Kasalanan ko ba kung bakit sayoy bigo
O sadya lang talagang ang puso moy mapaglaro

Pano mo nasisikmura na ako ay linlangin
Matapos ang lahat lahat para sa iyo ay gawin
Ubos na ang aking pasensya kaya mas mabuti na
Ikaw bitawan na bago pa muling masaktan pa

(chorus)
Ginawa ko nang lahat para ikaw ay sumaya
Sa huli ako din ay nag iisa
Tama na ayoko na tama na
Ayoko na ayoko na ayoko na

Verse 3

Tapusin na ang kwento dahil dapat ng limutin
Itatapon na ang alaala na aking pasanin
Alam ko na akoy sasaya kahit na mawala ka
Dahil kahit andyan ka ramdam ko parang wala ka

Ngayon akoy handa na ika’y pwede nang lumaya
Kahit ako ang nasaktan ako na ang magpaparaya
Titiisin nalang palipasin ang kirot
Hihintayin ang araw na ikaw ay akin nang limot

Mas gugustuhin ko na ika’y wala na saking piling
Kesa araw araw ka sa aking magsinungaling
Kaya buo na desisyon ikaw ay lumayo na sakin
Diko kelangan ng katulad mong hindi kuntento sakin

Ikaw ang unang bumitaw ang salawahan ay ikaw
Mabuti nalang at nakita ko ang tunay na ikaw
Di ka karapat-dapat na buhusan ng pagmamahal
Di rin ako karapat-dapat na gawing isang hangal