Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...

Sigaw – Yumi Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Sigaw – Yumi

pag-i-big… Na nga ‘to
Sigurado na nga ‘ko
Dahil kung hindi edi sana,
Di ka iniisip buong mag-hapon

Tulala at biglang ngingiti ng mag-isa
Kapag naiisip ang mga sandali na
Tayo ay unang nagkakilala

Sa-king sarili ay di ko na matago
Panaginip na dati ay malabong
Mabuhay o matupad sa aking reyalidad
Ngayon ay unti-unting kumaklaro

Mahiwaga sa pakiramdam
Tinig mo ay musika na pinapakinggan
Kilig na bumabalot sa aking buong katawan
pinawi ang lungkot na inakalang di maiibsan

CHORUS
Sigaw ng puso ko’y tanging ikaw
Pangalan mong binibitaw ng aking bukang bibig
sa twina’y walang ibang
sinisigaw ng puso ko’y tanging ikaw
Pangalan mong binibitaw ng aking bukang bibig
sa twina’y walang ibang sinisigaw

II
DA-IG-DIG ko nagbago
lagi nakong ganado
Na bumangon sa umaga at pumasok sa trabaho
Pagkat alam ko ng susunduin mo nako

Walang sandali na di hanap ka
Parang lumilipas ang magpakailanman
Ang isang araw na di ka kasama

Sakin ay hindi mahalaga kung magarbo
O simple man ang dala mong regalo
Kahit di mo dalhin sa mamahaling kainan
Kahit kikiam lang, masaya nako

Sapagkat ang akin lang naman
Manatili kang tapat at natatanging laman
Ng puso mo’t isipan ay ako lang, sumpa mo yan
Kundi!!! Uuwi tayong magkaibigan na lang

CHORUS
Sigaw ng puso ko’y tanging ikaw
Pangalan mong binibitaw ng aking bukang bibig
sa twina’y walang ibang
sinisigaw ng puso ko’y tanging ikaw
Pangalan mong binibitaw ng aking bukang bibig
sa twina’y walang ibang sinisigaw

III

Imahe mo ang lagi kong nakikita
Nakapikit man ay naroon ka sinta

Ngayong ikaw ay akin, ay titiyakin ko
Na di na maibaling, sa iba ang pag-ibig mo

Aalagaan ka’t iingatan, tulad ng kakulangan kong iyong pinunan
Di ako magbabago,tumanda man tayo
Di ko pinapangako sinusumpa ko yan

CHORUS
Sigaw ng puso ko’y tanging ikaw
Pangalan mong binibitaw ng aking bukang bibig
sa twina’y walang ibang
sinisigaw ng puso ko’y tanging ikaw
Pangalan mong binibitaw ng aking bukang bibig
sa twina’y walang ibang sinisigaw