Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (25 votes, average: 4.28 stars)
Loading...

Hayop Na Combo – Yoyoy Villame Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Hayop Na Combo – Yoyoy Villame

Sayawan sa aming baryo
Orchestra ay nagkagulo-gulo
Ang kanilang mga instrumento
Ay luma at sintunado
Ang drummer ay inuubo-ubo
Hikain pa ang nagbabaho
Saksoponista ay mga gago
Taga tororot ay sira-ulo

Trumpet ay Kalawangin
Barado at wala ng hangin
Trombone ay yupi-yupi na rin
Ang taga-ihip ay bungal ang ngipin
Nagalit and mga barangay
Orchestra’y kanilang inaway
Dahil sa kanilang tugtog
Na walang kabuhay-buhay

Ipinalit ang hayop na kombo
Baboy and nagbabaho
Ang drummer ay aso
Butiki ang nagpi-piyano
Pusa ang organista
Manok ang gumigitara
Ayos din ang aming disko
Sa tugtog ng hayop na kombo

Nag-rock en roll and mga daga
Nag-chacha ang mga palaka
Nagalit ang kabayong bakla
Kay kalabaw na tumutula
Palakpakan ang surot at ipis
Sa gagamba na nag-flying trapeze
Ayos din ang aming disko
Sa tugtog ng hayop na kombo
Ayos din ang aming disko
Sa tugtog ng hayop na kombo

Videokeman Search