Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (3 votes, average: 2.33 stars)
Loading...

Prinsesa – Yoh-G Feat. Slick One Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Prinsesa – Yoh-G Feat. Slick One

Tanging sayo lamang muli,
nagbigay para sakin tunay na pag-ibig mo
na wala ng papalit panghabang-buhay.
Laging handog sayo giliw ko, alay lang sayo…

Hindi ko inaakala na ito ay mangyayare
na aking mapapa-ibig ang pangarap kong babae.
Pagkat ni sa aking diwa ay hindi sakin sumagi
na makakapiling ka, yan ay dasal ko lang palagi.
Ngunit ito ay totoo, hindi na namamalik-mata
lungkot ay hindi madarama ngayong kasama na kita.
Mamahalin ka ng lubos, ayokong magbaka-sakali
patutunayan na wagas, pag-ibig ko’y mamamalagi.
At hindi ka mabibigo, pagmamahal sayo’y tapat
hinding-hindi ko malilimutan dahil nga at sapagkat.
Hindi ‘to kayang tumbasan ng anoman at kahit sino
ikaw ang nag-iisang anghel dito sa aking paraiso.
At ako’y laging nandito upang sayo ay umagapay
sa bawat liwanag at dilim na yugto ng iyong buhay.
Hindi rin sapat ang habang-buhay, dahil ito’y walang hanggan
wala ka saking kapalit at hindi nila kayang pantayan…

Napakasaya kapag kasama ka,
sana’y lagi tayong dalawa
ang magkatabi sa bawat araw.
Dahil pag kasama ka’y mundo’y sumisigla
ikaw ang nag-buo ng buhay ko, alay lang sayo

Puso ko’y nagtatanong at oras-oras iniisip
na kung bakit ikaw ang laging nasa aking panaginip.
Sa kalangitan ko sinisilip, binubulong aking hiling
na hindi na sana magkalayo, ako’t ikaw ang magkapiling.
At kung darating ang hirap ay handa kitang samahan
dahil ako at ikaw ang pinagtagpo ng kapalaran.
Ikaw ang aking Prinsesa at ako ang iyong lingkod
hindi ka iiwang mag-isa, pangakong na sayong likod.
Ang pag-ibig kong tapat, pagmamahal ko na lubos
ito ay hindi na maglalaho ni hindi magtatapos.
Pagkat ikaw ang syang may hawak ng aking kaligayahan
ang mga pangako mo na aking pinanghahawakan.
Akin na ring patutunayan na hindi kita kayang ipagpalit
at ang tunay na pagmamahal hinding-hindi ipagkakait.
Susulitin ang bawat saglit na habang tayo’y magkayakap
dahil ang ganitong tagpo ay higit pa saking pangarap…

Napakasaya kapag kasama ka,
sana’y lagi tayong dalawa
ang magkatabi sa bawat araw.
Dahil pag kasama ka’y mundo’y sumisigla
ikaw ang nag-buo ng buhay ko, alay lang sayo…

Araw man, isang gabi ikaw ang nais kong masdan
at labis ang aking tuwa sa tuwing bubuhos ang ulan.
Dahil ang kalakip nito ay hindi kukupas na sumpaan
ilang panahon man ang lumipas ay hindi malilimutan.
At ika’y palilibutan ng pag-ibig kong wagas
habang iyong naririnig tibok ng pusong kay lakas.
Maging ang taas ng pagrespeto ko ay laging nariyan
handog ang yakap ko’t halik na tanging para sayo yan.
Ang aking buhay na ito ay sayo lamang sasabay
mula sa unang paghinga at hanggang sa pagkamatay.
At ito ang awit na pawang magsisilbing patunay
ang lahat ng saloobin at nadarama kong tunay.
Pagkat ako’y seryoso na at gagawa ng paraan
upang ika’y yayain na at aking papakasalan.
Lahat ng ‘to’y masasaan kung hindi ikaw rin at ako
at ang singsing na hawak ko’y masusuot na rin sayo…

Napakasaya kapag kasama ka,
sana’y lagi tayong dalawa
ang magkatabi sa bawat araw.
Dahil pag kasama ka’y mundo’y sumisigla
ikaw ang nag-buo ng buhay ko, alay lang sayo…