Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (71 votes, average: 4.00 stars)
Loading...

The Other Guy Part2 – Yayoi Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of The Other Guy Part2 – Yayoi

Pag sinaktan ka niya sakin ka pupunta
pag iniwan ka ako nandito lang di ba
iniisip ko na ako siya
sawa na ako ayoko na
na maging takbuhan mo
pag may problema ka
at nakikisalo lamang sa inyong dalawa
pero di mo mabigyan ng halaga
sawa na ako ayoko na!

Araw-araw na sasayang lamang
pag mamahal mo sa kanya
bakit di mo ba makitang parang
ikaw na lang sinta
ang lumalaban para magtagal pa
kayong dalawa
lahat tinitiis mo kahit na nasasaktan ka na

bakit hindi mo ba makitang heto lang ako
handang gawin lahat basta ikakasaya mo
hindi katulad niya,
di ka mabigyan ng konting halaga
ngunit bakit hindi mo parin magawa na
iwan siya!

kung ako nalang sana ang nauna
nauna mong nakilala di na sana

lumuha ang mata mo dahil sa kanya
lungkot ng kahapon mo sana ay
kalimutan na

pakinggan mo naman at pagbigyan
dahil di ko na kaya na masdan
na nahihirapan ka…nandito naman ako

pag sinaktan ka niya sakin ka pumupunta
pag iniwan ka ako nandito lang diba
wala kong magawa kahit parang ayoko na
nagtitiis maging pangalawa

at maging takbuhan mo pag may problema ka
at patuloy umaasang baka mapuna
mo na mahal kita kahit mahal mo ay iba
kung sana lang ako ang nauna

pinipilit ko ng pagilan
pinipilit ko ng iwasan
na mahulog pa sa di naman
kayang suklian pagmamahal ko na naunahan
ng taong minsan ding nangakong di ka sasaktan
at paluhain ka ngayon siya na nag dahilan
umaasa ka sa walang kasiguraduhan
imulat ang mata may isang tao pa
na naandyan
na handa kang saluhin sa tuwing binibitawan niya
at handa kang mahalin at ipakita na
higit pa siya iingatan ka
di ka sasaktan di katulad nya

pakinggan mo naman at pagbigyan
dahil di ko kaya na masdan
na nahihirapan ka…nandito naman ako

pag sinaktan ka niya sakin ka pumupunta
pag iniwan ka ako nandito lang diba
wala kong magawa kahit parang ayoko na
nagtitiis maging pangalawa

at maging takbuhan mo pag may problema ka
at patuloy umaasang baka mapuna
mo na mahal kita kahit mahal mo ay iba
kung sana lang ako ang nauna

sana maisip-isip mo
na pilit ko na pinipilit-pilit tong
aking nadarama kahit di mo madama
na pinapadama ko ang lahat ng kaya ko
patuloy na naghihintay sa si alam
kung darating….
patuloy na umaasa kahit na ako pa ay maging…
pangalawa lamang at kaibigan lang
matuturing ang isang kagaya ko
kahit mahirap ang tatahakin kakayanin ko
hindi ako susuko sayo

(2x)
pag sinaktan ka niya sakin ka pumupunta
pag iniwan ka ako nandito lang diba
wala kong magawa kahit parang ayoko na
nagtitiis maging pangalawa
at maging takbuhan mo pag may problema ka
at patuloy umaasang baka mapuna
mo na mahal kita kahit mahal mo ay iba
kung sana lang ako ang nauna