Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (3 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

Tagu-Taguan – Yayoi , Lopau , Don Pao , Don Lastrhyme Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Tagu-Taguan – Yayoi , Lopau , Don Pao , Don Lastrhyme

Sa dami ng pwedeng mapusuan, mahulugan dun pa sa kaibigan ko. Gusto ko mang aminin, gusto mang sabihin ngunit pipiliin na lamang na itago, wag ka lang maglaho, wag lamang magbago ang tingin mo saken, gusto mang sabihin di na pipilitin, hirap ng suungin ang lagay na alanganin. Magbabaka sakali nalang na mapansin mo na ang nadarama kong minsang pinilit ko nalang iwasan. Kung kaya ko lang harapin ang hahantungan. At tapatin na kita di na sana parang nagtataguan. Pinapanalangin hinihiling na sana sakin madama mo rin. Pagkakataon kailan ba darating. Masabi ko at mahalin mo rin.

Chorus:
Bakit di ko ba masabi ang nararamdaman, ako’y kinakabahan sa twing nakikita kitang nasa harapan. Umuurong ang dila ko. Mahal kita di lang maamin sayo. Para tayong nagtatagu’taguan, tagu’taguan, tinatago tago lang aking nararamdaman. Tagu’taguan, tagu’taguan. Paano mo ba malalaman

Pano ko ba masasabi sayo (sayo,sayo) Laging kinakabahan lang ako (ako,nako)
Bakit hindi ko mahanapan ng hakbang upang maamin ang nararamdamang.. Hindi ko matakasan laging inuunahan ng kaba kaya ba pinanghihinaan.. ng loob para masabi hindi ko mawari kung pano ko sisimulan ang.. Tinatago-tago takot sa kahahantungan baka magbago ka’t ang tulad ko’y biglang layuan.. binubulong nalang sa hangin pakinggan mo lang baka sakali na iyong malaman na.. mahal kita (mahal kita).. Ayoko lamang na masira tayong dalawa.. Hindi na pwedeng humigit pa sa kaibigan kaya nakikipag taguan.

Tagu taguan! Teka lang! Pano ba sisimulan? Kung itatago ko ba ay makaka buti?
Hindi ko masabi mga aaminin na para ba kong nag sisinungaling sa korte,
Hindi kumportable, di mapakale na para bang si lil jay na napaka torpe
Di ko mailabas ang mga saloobin ko sa iyo na para bang akoy naka kapote,
Kaya’t minabute, ko na lamang sarilihin upang sa ganon ay di na maka sira,
Lagi na lang akong nagtatago pag dadaan ka na para bang may nakas…salu’bong na siga,
Pano ba?? Saan ba? Kelan ba? Ano ba? Ako ay nap.papa’kamot sa ulo
Wala akong ma’simulan so laging iniisip paano ba mak.ka.ka.abot sa dulo
Tagu taguan! Maliwanag ang buwan. Pero patuloy parin akong nalalabuan,
Aking kaibigan. Di ka malapitan. Kahit kaharap ka ako ay nalalayuan,
Kaya sa kanta ko na lang to idinaan. Maparating lang di na baleng matukso,
Umuurong ang aking dila na parang inatake sa puso,
Oh aking anghel sa lupa. Sa anong paraan. Nga ba kita makukuha,
Hindi man ngayon. Darating ang panahon. Na ang lakas ng loob ay akin nang matutunan,
Paganahin pag ikaw ay kaharap na, mga tinatago ay mapag tapat na,
Balang araw ay makayakap ka, sana ma’antay mo ko salamat ha!

1. Mejo kinakabahan ng dahan dahan kapag aking namalayan na ikaw ay palapit ng palapit, hindi ko kaya na tumitig halata bang umiibig kaya dila ko halos magkanda pili pilipet.
2. Sa malupet mo na damit, hapet ka talaga so deym, gusto ko lang malaman kung sakin ikay game, mapalapit sayo ang pangunahin kong aim, pupuwede din kaya feelings natin ay same.
3. Atras abante yan ang dibdib ko, kapag kaharap kita lubog ang tindig ko, gusto kong palabasin ang mga hindi ko, kaya na palabasin na kaya nalilito.
4. Ako dahil sa mga nakapaligid ligid kaya sa gilid nalang ako kaway, diko man maamin kaya sa mga pahaging ko nalang dinadaan sana ay aking matangay.
5. Ang puso mo na mala tala para aking makuha ay pipiliting makiuso, hanggang ngayon, pano ang tanong, sanay dika salawahan at di tuso.
6. Alam ko namang pihikan ka, pero halatado bang sayo ako ay supertorpe, sayang kung napaaga lang ako kaya kong libutin timog silang kanluran hanggang dun norte.
7. So a wana use time machine, para bumalik tayong dalawa sating nakaraan, pakinggan mo lang araw gabi ang mga litrato moy tinititigan ko kase ito ang paraan.
8. Para maitago ang , nararamdaman tagutaguan ang naging tema, pero talagang mahirap kase madaling mahuli ako lalong lalo na dito sating eksena