Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

Kanina Lang Ft. Unicah – Xo Icy Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Kanina Lang Ft. Unicah – Xo Icy

kani-kanina lang nung tayo pa’y magkasama

Chorus:
kanina lang ay kasama kita
ngunit hindi ko masabi
sayo na nagustuhan kita
ngunit kung ako ay mapag-bibigyan mo
ngayon ay ikaw ay mamahalin ko na

G-Rhyme
nung unang beses kang nakita ng mga mata
di ko agad napansin na ika’y tumitingin
pero ang alam ko ay magkakilala na tayo
di ko lang matandaan kung kailan ba ito at saan
basta’t ang nararamdaman ko lang ngayon
ay ibang klase talaga para bang kanyon
nasinindihan mo gamit ang iyong pag-mamahal
at nag-aalab na pag-ibig kinilabasan
pero hindi pa tayo natatapos doon
dahil di ko to masabi bakit ba nagkag-ganon
ang pagmamahal ay di basta bastang gawain
di mo kayang sauluhin ang bawat nilalaman
ohh sana ay matuloy ko na din ito
na sabihin sa iyo na nahulog na ako
bakit ba kase ang ganda ganda mo sinta
gusto ko lang ipaalam na mahal na nga kita ha!

Chorus:
kanina lang ay kasama kita
ngunit hindi ko masabi
sayo na nagustuhan kita
ngunit kung ako ay mapag-bibigyan mo
ngayon ay ikaw ay mamahalin ko na

Young Mac
Yeah , isang araw dun sa tambayan
nung ikaw ay aking biglang nasilayan
gusto ko sana tanungin ang yong pangalan
at tanungin sayo kung ok ka lang ba dyan
pero ang totoo ay gusto kong malaman mo
na nabighani mo ang puso ko at isip ko
kaya ngayon at gagawin ko na lahat
papakita ko sayo na ako’y karapat-dapat. yeahh

Genocide
Ohh wala na ngang makakapigil
sa nadarama ng puso kong na laging nang-gigigil
pag-ikaw na ang nakita ko ang oras ay titigil
pag-sinabi kong mahal kita wala ng lihim lihim
sasabihin na nga, mahal na kita
tunay na tunay wala ng iba
pinakatunay walang tatapat
wag magtaray at wag kang kukurap
pagkat alam ko na na ako lamang sayo ang nararapat
at ikaw lamang ang tinatangi ko’t pinapangarap

Unicah
ngayon nag-kita ulit tayong dalawa
gusto ko sana na sabihin ang nadarama
kase hindi ko na to kayang patagalin pa
dahil mahal na nga kita simula nung una pa
gusto ko sanang makasama ka at wala nang iba pa
at ang lahat ng to ay nagmula kanina lang

Chorus:
kanina lang ay kasama kita
ngunit hindi ko masabi
sayo na nagustuhan kita
ngunit kung ako ay mapag-bibigyan mo
ngayon ay ikaw ay mamahalin ko na

Videokeman Search