Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (4 votes, average: 3.75 stars)
Loading...

Hanggang Kailan – Xo Icy Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Hanggang Kailan – Xo Icy

(Chorus):

Hanggang kailan ko ba itatago, Hanggang Kailan ko ba ililihim ito,
Ang nararamdaman ko sa iyo, Sana’y malaman mo,
Isa kang hulog nang langit, dahil sa iyo na akit,
Ang tulad ko at tulad mo sana ay magsama na..

(Genocide Verse)

Aaminin ko ito, ako ay nahulog sayo
Mula nung makilala ka, tuluyang napraning sayo,
Dapat nga siguro na ngayon itakas na kita
At ipagsigawan sa mundong, mahal na nga kita ‘
(na mahal na kita..)

Wala na ngang makakapigil sa aking nadarama,
Magmula nang makilala ka’t nag-usap sa mata (yeah)
Nasabi ko saking sarili na wala na ngang iba
Na babae na makakapantay pa sayong ganda..
(dahil napaka ganda mo nga..)

tinakdang pagmamahalan, pra sa isat isa
kumbaga sa kapalaran, tayo nga’y pinag-isa (yeah)
yan ang aking panaginip na sana ay mangyare
at ito ang desisyon na hindi ko lang nasabe
(ang tanging disisyon na mapasaakin ka pangako)

dahil di lang sa isipan pati rin sa damdamin
ang dumidikta at nagnanais na mapa sa akin
At hindi nako susuko ngayong andyan ka na
Isang anghel na bumaba sa lupa, yan ikaw sinta
(na sayo lang ako sinta)

(Chorus):

Hanggang kailan ko ba itatago, Hanggang Kailan ko ba ililihim ito,
Ang nararamdaman ko sa iyo, Sana’y malaman mo,
Isa kang hulog nang langit, dahil sa iyo na akit,
Ang tulad ko at tulad mo sana ay magsama na..

(G’Rhyme Verse)

Mundo ko ay nag iba nung ikaw ay masulyapan
Nang aking mga matang halos hindi na matanggal,
Sa pag titig sa iyo sadyang nakita ko na nga
ang anghel mula sa langit na sa lupa bumaba,
(sa lupa bumaba..)

at araw araw nalang halos hindi na makatulog sa
pag iisip sayo ako ay para bang nahulog sa iyong (yeah)
patibong na mga tawa at ngiti, na aking hinahanap
kahit pa to sandali, (kahit ^ sandali lang naman..)

at habang tumatagal ay para bang lumalala na
ang aking naramdaman sayo hindi na to pang bata, (yeah)
ang palagi kong hiling na sana ay masulyapan
mo naman ang paramdam ko at ako ay pagbigyan,
(kahit pag bigyan mo lang ako, pangako)

na mapatunayan ko sayo ang pag ibig ko
wala tong halo na biro papangako ko sayo,
sana lang naman ay magkaroon ng pagkakataon
na ikaw ang makasama ko sa habang panahon.
(na ikaw ay makasama ko)

(Bridge):

Hanggang kailan ko ba itatago ang nadarama para sayo,
Minsan ay naiisip ko nang ipag sigawan to,
Na tanging ikaw lang ang tanging hinihiling ko, (Na)
At sana sa kantang ito ay maparamdam ko sayo..

(Pre Chorus):

Wala nang hahanapin pa..
Ikaw lang Talaga..
Wala nang iba pang hahanapin..
Ikaw lang ang Laman nang Damdamin..

(Chorus):

Hanggang kailan ko ba itatago, Hanggang Kailan ko ba ililihim ito,
Ang nararamdaman ko sa iyo, Sana’y malaman mo,
Isa kang hulog nang langit, dahil sa iyo na akit,
Ang tulad ko at tulad mo sana ay magsama na

Videokeman Search