Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (10 votes, average: 4.20 stars)
Loading ... Loading ...

Lyrics of Tama Na – XCrew
\

ang makayakap ka at makasama ka gusto kong maulit
nananabik pa rin ako sa iyong halik
mapatawad pa kaya ako sa aking kasalanan
kaya pa ba natin ibalik ang naiwanan
katulad ng sinabi ko sayung ayoko na
pagod na puso ko please wag ka nang umasa
puro ka pasensya hihingi ka ng dispensa
dahil sa tanga ako pinatawad pa kita
huwag na huwag mong iisipin na babalik ako

(bakit ayaw mo na ba na magkabalikan tayo)
bakit sa tingin mo ba babalik pa ko sayo huh?
asa ka pa boy lokohin mo sarili mo
(bakit ganyan ka sa akin ibang-iba ka na?)
tumatapang lang naman ako dahil sayo tanga
mangagamit, manloloko at sinamantala mo (teka lang naman!)
mahal ano pa ba ang gusto mo?

Chorus:
tama na, ako’y sawa na sa pambobola mo sakin
di naman sinasadya saktan ko ang iyong damdamin
kung hindi sinasadya bakit paulit-ulit lang?
mapapatawad mo pa ba o iiwanan mo nalang?

hindi ganun kadali na kalimutan kita
pero mas madali kung iiwanan kita
hindi ka ba nanghihinayang sa ating pinagsamahan
naisip mo ba yan nung ako’y sinaktan?’
kaysa nga heto ako humihingi sayo ng tawad
hindi na makapagsimula’t di na makausad’
ganyan din ako nun habang nasa iba ka
nung umiiyak ako sa kanya masaya ka
nakalipas na yun kinalimutan ko na yun eh
yun na nga ang masama wala lang sayo yun eh
nakiusap ako habang sayo’y umiiyak’
naglakad ka palayo hindi ka na nakasabat
nalilito lang ako nun pero ikaw ang gusto ko
kung ako ang gusto mo bakit siya ang pinili mo?
wala ka ng magagaa buo na ang desisyon ko
minahal kita noon salamat nalang sayo

Chorus:
tama na, ako’y sawa na sa pambobola mo sakin
di naman sinasadya saktan ko ang iyong damdamin
kung hindi sinasadya bakit paulit-ulit lang?
mapapatawad mo pa ba o iiwanan mo nalang?

nakahanap na ako ng mas hihigit sayo
yung tipong iibigin ako ng buong-buo
may paninindigan, may pananagutan,
pag sinabi nyang mahal ako nararamdaman
e ikaw wala kang ginawa kundi saktan ako
intindihin kita sa maling ugali mo
masakit ka magmahal tagos sa puso ko
ngayon naka recover na tumibay na ako
ngayon darating ka makikiusap ng ganyan
malakas ang loob mo di na kita babalikan

please naman wag kang magsalita ng ganyan
para naman wala tayong pinagsamahan
tinapon ko na ang alaala ko sayo
bagong simula sa lalaking gusto ko
wala na nga siguro akong magagawa pa
kung magmamahal ka pa ulit sana matuto ka