Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (8 votes, average: 3.75 stars)
Loading...

Ngayong Wala Ka Na – XCrew Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Ngayong Wala Ka Na – XCrew

akala ko ikaw na ang makakasama habang buhay
sa tagal ng pagsasama binigyan mo din ng kulay
nagtagal at naniwala sa mga sinabi mo
iibibigin mo ako higit pa sa akala ko
at ang pangako na sinira’y gusto kong ma isalba
para sa ikabubuti na muling mahagkan ka
bakit kay dali sayong tapusin ng ganun nalang
di mo kayang ipaglaban ang ating sinimulan
hindi sapat na dahilan ang away na pinagmulan
kung nagtitiwala ka bkit di mo ko pagbigyan
wala na ba kahit na konting pagtingin sa puso mo
ang pag-asang maging tayo ay kalilimutan mo
pero kahit anong gawin alam ko na ako ang talo
magpasa hanagangn ngayon nasasaktan pa rin ako
mabuti ka tinggap mong walang na ko sa buhay mo
e ako hanggang ngayon nangungulila sa iyo

Chorus:
sa bawat araw na dumadaan nangungulila sa iyo
hindi ko matangap na iniwan mo ako nandirito
na hindi alam kung itutuloy ngayong wala ka na
sa dinanas ko hindi ka ba nanghihinayang sa kahapong kay ganda

mula pagtulog ko dinadaan na lang sa pagiyak
sa pag gising ko ang almusal pa rin ay paga-iyak
di ko malimutan ang maiwaglit ka sa aking isip
makatulog man ako nandun ka rin sa panaginip
mga galit mo sa akin na walang katuturan
pinalalala mo lang ngunit walang kabuluhan
ang away natin, ano bang gusto mong iparating
ito ba ang sinasabi mong ako’y mahal mo rin?
aalagaan at ayaw mo akong paiyakin
sa mga yakap mo’t halik sa puso ko nakatingin
ngayon sabihin mo sa akin ganyan ba ang pagtingin
pag ako’y napapaluha di mo lang pinapansin
siguro’y tama na at pagod na rin ang puso ko
kung itutuloy pa ‘to mas minabuti nang sumuko
mahirap man na kalimutan ngunit pipilitin ko
kesa ipagpatuloy pa na mahalin ang gaya mo

Chorus:
sa bawat araw na dumadaan nangungulila sa iyo
hindi ko matangap na iniwan mo ako nandirito
na hindi alam kung itutuloy ngayong wala ka na
sa dinanas ko hindi ka ba nanghihinayang sa kahapong kay ganda

sa bawat araw na dumadaan nangungulila sa iyo
hindi ko matangap na iniwan mo ako nandirito
na hindi alam kung itutuloy ngayong wala ka na
sa dinanas ko hindi ka ba nanghihinayang sa kahapong kay ganda

sa pagiwan mo sa akin na tinangap ko na nga
kay tagal na panahon nakalimutan na kita
sa pagbangaon ko ngayon humakbang na wala ka na
naitama ang mali sakin ngayon malinaw na
na hindi ka para sakin at akoy hindi ako sayo
tama na ang pagdurusa nakamit ko rin sayo
salamat sa pagmamahal na minsan din na naging tayo
hindi ko pinagsisihan lahat din ng nagawa ko
nagmahal ako ng sobra dahil ayaw kong magkulang
paubaya sa iba upang hindi ka masaktan
ang nasa isip ko kung san ka sasaya dun din ako
kung liligya ka sa piling nya matatangap ko to
ngunit ng sinabing mong gusto mong makipagbalikan
humingi ka nga ng tawad di mo naman pinagsisihan
kung magiging tayo pa na di ka pa rin nagbabago
paalam na mahal ngunit ayoko na sayo

Chorus:
sa bawat araw na dumadaan nangungulila sa iyo
hindi ko matangap na iniwan mo ako nandirito
na hindi alam kung itutuloy ngayong wala ka na
sa dinanas ko hindi ka ba nanghihinayang sa kahapong kay ganda

sa bawat araw na dumadaan nangungulila sa iyo
hindi ko matangap na iniwan mo ako nandirito
na hindi alam kung itutuloy ngayong wala ka na
sa dinanas ko hindi ka ba nanghihinayang sa kahapong kay ganda

Videokeman Search