Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (6 votes, average: 4.83 stars)
Loading...

Dito Ka Lang Sa Puso Ko – Wynn Andrada Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Dito Ka Lang Sa Puso Ko – Wynn Andrada

Lagi nalang napapansin
ang luha mo’y walang hanggan
‘Di ba alam sa pag luha mo’y
ako rin ay nag daramdam
Limutin mo na ang nakaraan
Na ang puso mo’y laging nasasaktan
Ang pag-ibig natin ay pagbigyan
Damdamin ko’y iyong pakinggan

Dito ka lang sa puso ko
‘Wag mangamba ikaw lang ang narito
Umasa kang ‘di na magbabago
Damdamin para sa’yo

Dito ka lang sa buhay ko
Tanging ikaw sigaw ng pusong ito
Hindi ka na luluha pang muli
Dito ka lang
Dito ka lang

Lagi ko nang napapansin
Ika’y mayro’n nang ngiti
Ligaya na ang nadarama
Napawi na ang hapdi

Nalimot mo na ang nakaraan
Ang damdamin mo’y napakagaan
Ang pag-ibig natin ay pagbigyan
Pangako ay magpakailan man

Dito ka lang sa puso ko
‘Wag mangamba ikaw lang ang narito
Umasa kang ‘di na magbabago
Damdamin para sa’yo

Dito ka lang sa buhay ko
Tanging ikaw sigaw ng pusong ito
Hindi ka na luluha pang muli
Dito ka lang
Dito ka lang

Ikaw lang ang pag-ibig ko
Ang syang sigaw nitong damdamin ko ooohhh
Dito ka lang

Dito ka lang sa puso ko
Dito ka lang lagi sa tabi ko
‘Di ka muling magdaramdam
Dito ka lang
Dito ka lang
sa buhay ko
Tanging ikaw sigaw ng pusong ito
Hindi ka na luluha pang muli
Dito ka lang
Sa puso ko