Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (3 votes, average: 4.67 stars)
Loading...

Anino – Wolfgang Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Anino – Wolfgang

Anino – Wolfgang

Lumpong naglalakad
Katabi niya’y haring nakahubad
binging nakikinig sa iyak
ng piping mayroong tinig
alisin ang yong maskara
at idilat ang mga mata ang isipang tangan ay buksan
sa walang kabuluhan
iligtas nyo ako sa sarili kong anino
daan ay hanapin palabas sa salamin
kay dami daming hugis ng salamin
nakatitig na bulag
sa mga haliging nabuwag
baliw na sumasayaw
sa liwanag siya’y ikaw
at ang diwa ko’y litong lito
ito’y balatkayo
ang nakikita’y kabaliktaran
hindi ang kinagisnan
tangay sa agos
sa mundong puro abo
hindi mundong ito
bato ay abutin
at basagin ang salamin
pirapirasong bubog ng salamin
kung alam ko lang kung papaano
kung alam ko lang

Videokeman Search