Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (7 votes, average: 3.57 stars)
Loading...

Sabay Tayo – West Coast Productionz Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Sabay Tayo – West Coast Productionz

Chorus:
isa itong awitin na lahat kasama
pagkakaisa ng tunay na makata
ang galit ay itila, itabi na muna
pinaglalabn natin ay isa
isa itong awitin upang magbago
at hindi na kailangan magtalo
kahit san patungo, eh sabay tayo
dahil ang laban mo ay laban nating lahat

ikaw ang awit na nagsisilbing patunay
na kung saan sa pagsisiraan tayo’y nasanay
kalika kapatid pakinggan mo ang mensahe
ito ang panahon kapatid para bumawi
tama na ang gulo at mga bangayan
walang mangyayari kung tayo ay magsisiraan
kumapit ka lang sa balikat ko pare
sabay tayong maglalakbay sa iisang byahe
hindi lamang ako kundi ikaw, sila
pakita natin na may pag-ibig sa musika
ating pa-igtingin pa ang iisang lahi
hanggang sating mga labi ngiti ang mamumutawi
atin ng hilumin ang mga malalim na sugat
ito ang pagkakataon para mata’y mamulat
hindi sagot ang pagkagalit at pagkamuhi
dahil di ka mabubuo kung walang pag-ibig na naghari

Chorus:
isa itong awitin na lahat kasama
pagkakaisa ng tunay na makata
ang galit ay itila, itabi na muna
pinaglalabn natin ay isa
isa itong awitin upang magbago
at hindi na kailangan magtalo
kahit san patungo, eh sabay tayo
dahil ang laban mo ay laban nating lahat

sama-sama na tayo sa iisang kanta
na pinag-isa ng mga makatang pinagpala
tungo sa pagkakaisa ng ating pangkat
sapagkat buhat ng ating pinakalat ang bawat pangalan
ng pangkat na patuloy na kumakalat
sa micropono’y lumalapat karangalan ang hawak-hawak
samahan ay pinagtibay at aming pinapalawak
pare-parehas lang tayo na may kakayahan
na gumawa ng isang awit at ating sisimulan
ang pagbabago ng lahat tungo sa panibagong bukas
halika na’t sumama ka’t tayo ang siyang lulunas
sa mga gulo’t tampo kahit anong problema to
sasamahan pa kita basta’t magpakatotoo
ka sa mga sinasabi at pinapakita mo
nadito lang ako dahil ako’y kakampi mo
hindi sagot ang pagkagalit at pagkamuhi
dahil di ka mabubuo kung walang pag-ibig na naghari

Chorus:
isa itong awitin na lahat kasama
pagkakaisa ng tunay na makata
ang galit ay itila, itabi na muna
pinaglalabn natin ay isa
isa itong awitin upang magbago
at hindi na kailangan magtalo
kahit san patungo, eh sabay tayo
dahil ang laban mo ay laban nating lahat

sa muling pagbangon at pagkakasama-sama ng lahat
muling tumayo sa kalagitnaan at lapis ang panulat
at tatahakin ang layunin na lahat kayo’y tipunin
ang bawat alitan natin ay sabay nating ayusin.
tama na ang sumabatan sana ay magmahalan
sabay tayong titingalain ng bagong kabataang
sasaludo sa talento mong ikaw ang natatangi
biyaya ng taas na walang sino mang hahawi
sa isip mo at tanggalin ang pagkalito
sabay tayo na bumangon ako ay narito
hindi kita iiwanan ako sandalan mo
babagtasin ang daan kahit pa liko-liko
wag lumuha sa saglitan na pagkaligaw
hanapin mo ang iyong sarili na yon nga’ng ikaw
hindi sagot ang pagkagalit at pagkamuhi
dahil di ka mabubuo kung walang pag-ibig na naghari

Chorus:
isa itong awitin na lahat kasama
pagkakaisa ng tunay na makata
ang galit ay itila, itabi na muna
pinaglalabn natin ay isa
isa itong awitin upang magbago
at hindi na kailangan magtalo
kahit san patungo, eh sabay tayo
dahil ang laban mo ay laban nating lahat