Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (34 votes, average: 3.97 stars)
Loading...

Haters (Mahal Namin Kayo) – West Coast Productionz Ft. Jcee Wanoo Abobo Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Haters (Mahal Namin Kayo) – West Coast Productionz Ft. Jcee Wanoo Abobo

hook:
para to sa mga haters namin
na pagbagsak namin ang laging dalangin
meron kayong puwang sa aming damdamin
dahil nga mahal namin kayo
para to sa mga haters namin
na pagbagsak namin ang laging dalangin
meron kayong puwang sa aming damdamin
dahil nga mahal namin kayo

boss may bago bang kanta pwede pakinig po iniidolo kita
pagtalikod mo iba na ang binubulong
na taliwas sa mga bagay na tunay at yan ang pinapakita na
kailangan pa kami na utuin a sa dami ng sinabi mo
wala namang tumama puro panghuhula ang tindi kung makalait
anu ba ang nagawa? bakit ka nagagalit?
ngunit pwede ba na humalik dahil pag-ibig isusuklli ko pabalik
hindi na kailangan lumala pa ang galit
kapayapaan, magkaisa na kapatid yeah
minamahal ka namin kung ikaw ay nagagalit
ok lang sa amin kung kami ay nilalait niyo pa
sige na sige pa pagkat lalong dumadami ang mga naniniwala
i dislike kung naniniwala ka na talagang walang karapatan
aming mga luha pipiliting di umagos
sa halip ay yayakapin ka namin ng magaan
sa loob ng aming mga puso pagkat ikaw ay malapit din
isasama ka namin sa aming panalangin
wag kang mag-alala sumama a sa akin tanggalin ang takot
pag-ibig ang pairalin mo teka lang noh
bago ko muna ipasa tong mikropono
sana ay nakikinig ka sa mga tula ko
na sinasabi ito ay alay ko sayo

hook:
para to sa mga haters namin
na pagbagsak namin ang laging dalangin
meron kayong puwang sa aming damdamin
dahil nga mahal namin kayo
para to sa mga haters namin
na pagbagsak namin ang laging dalangin
meron kayong puwang sa aming damdamin
dahil nga mahal namin kayo

kung isa ka sa aming mga haters ito’y para sayo
ito aking kapatid sana’y iyong mabatid
sana di na mapatid ang lubid
kahit palagay mo sa amin ay tagilid

dahil kayo ang dahilan kung bakit namamayagpag
kami dito taos puso naming tinatanggap mga panlalait niyo
salamat sayo para sa inyo ito mahal namin kayo

magmula nung una hanggang sa ngayon
madami na ang bumatikos
sa akin ang gumagabay akala mo’y mga anghel
na laging sumusunod, bumubulong sa likod
na kasa-kasama lagi sa paglalakbay
ngunit ako ay di nawalan ng mga pagasa
kahit na mga pasakit ang tinatamasa
dahil ang alam ko’y tayo’y nilikha
upang magpatawad at mahalin natin ang ating mga kapwa
di ko na dapat patulan pa ang mga ganyan
kahit pa ibaon niyo ako ng libong ulit
mananatiling nakatayo ang aking mga paa
at patuloy lamang ako sa paggawa ng awit
dahil alam kong sasapit ang araw na ako ay inyong matatangap
at di na mapapatamaan ng mga katagang tumutulak
upang ako’y maging matibay
kaya naman kayo ay aking pinasasalamatan

hook:
para to sa mga haters namin
na pagbagsak namin ang laging dalangin
meron kayong puwang sa aming damdamin
dahil nga mahal namin kayo
para to sa mga haters namin
na pagbagsak namin ang laging dalangin
meron kayong puwang sa aming damdamin
dahil nga mahal namin kayo

Videokeman Search