Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (22 votes, average: 3.77 stars)
Loading...

Muli Ft. Kejs – Vlync, Lux and Slick One Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Muli Ft. Kejs – Vlync, Lux and Slick One

Pa’no ko maibabalik ( ko maibabalik )
ang tiwala mo mahal ( ang tiwala mo mahal )
Ga’no man kahirap na ( man kahirap na )
tanggapin mong muli ( tanggapin mong muli )

Isa pang pagkakataon ang hinihingi
kailangan mo ba ng panahon na pag-isipang
hinding-hindi na ako
uulit na lagyan nang lamat ang puso mo.
Hindi sana naging panatag ang sarili ko
na hindi mo kayang iwanan ang katulad ko.
Sadyang maraming tukso pero natuto na.
hindi na titingin sa kaliwa.
Sa kabila ng lahat ng nangyari
alam kong ako parin ang sinasabi.
Ang sinisigaw ng puso mong ligaw
kung bibitaw ka man ng tuluyan sayo parin kakapit

Sana’y pagbigyan mong
Muling ibigin ka.
Nakikiusap ang puso ko
sa pangalawang pagkakataon.
Sana’y pagbigyan mo na akong
Muling papasukin sa puso mo
Hindi man ganun kadali sayo,
matagal man ay kakayanin ko
Maibalik lang muli ang tiwala mo

Sana mapatawad mo, sana mapatawad mo
kahit sa kaonting pagkakataon
na makapagsimula’t makabangon,
makalimot sa mga maling nakaraan.
Oo, dahil tao lang ako, tao lang ako,
takot lang akong hamunin ang pagmamahal,
alam kong talo lang ako,
lalo lang akong lalamunin ng panibughong sumasakal,
Tama nga sila, maaalala mo na importante pala sya
lalo na kong hindi na sya sayo,
Mas masakit kapag nakikita mong pinapawi ng ngiti
ang sakit ng kahapon na dinulot mo.
Hindi ganun kadaling patawarin,
umaasa balang-araw sasabihin na mahal mo pa ako
kaya lahat ay gagawin, para lamang sayo. . .

Ibalik ang kinang sa mata na puno ng luha
at kahit kailan hindi na
Muling papatak ang mga luha mo sa lupa.
Sa katulad mo nakasalalay ang kaligtasan
ng pusong dating nabigo at mabigyan ng pagkakataon na
Muling maibalik ang pagmamahal, pangako magsasama tayo hanggang kamatayan,
Sinusumpa kong ito na ang huli, pagkakataong pinagkaloob nyang
Muli salamat po, dahil binigyan nyo ng kalinawan
ang isip kahit kailan hindi na ako magkakamali,
at kapag dumating na ang takdang panahon
upang tayo ay magsamaako na siguro ang pinakamasayang
lalaki na nabuhay na merong pag-asa…

Sana’y pagbigyan mong
Muling ibigin ka.
Nakikiusap ang puso ko
sa pangalawang pagkakataon.
Sana’y pagbigyan mo na akong
Muling papasukin sa puso mo
Hindi man ganun kadali sayo,
matagal man ay kakayanin ko
Maibalik lang muli ang tiwala mo

Alam ko nagkamali ako sa iyo
ay hindi maibabalik ang mundong napakasaya
humantong lamang sa wala hindi ko kaya na
makita ka na kasama ng iba
Bawat haplos sa luha ko’y panggap pala
nang masasayang ala-ala nang hawak ko pa
ang kamay mo at laging sinasambit mahal kita,
walang iba pero nasan ka.
Ako ay iniwan na, ngayo’y paano na
mga binuong pangrap ay hindi ko na mahanap
pinangako nating dalawa sa isa’t isa
wala ng bibitaw hawakan mo ang kamay ko,
sa layo mo ngayo’y hindi ko na maabot mahal,
muli mong ibalik yugto nang sandali
pag naisip mong patawarin,
pagbigyan muli, ako sayo’y nagsusumamo. . .

Sana’y pagbigyan mong
Muling ibigin ka.
Nakikiusap ang puso ko
sa pangalawang pagkakataon.
Sana’y pagbigyan mo na akong
Muling papasukin sa puso mo
Hindi man ganun kadali sayo,
matagal man ay kakayanin ko
Maibalik lang muli ang tiwala mo

Videokeman Search