Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (3 votes, average: 4.33 stars)
Loading...

Nunal – Vincent Dafalong Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Nunal – Vincent Dafalong

kayo ba’y naniniwala sa mga kasabihan
na ang bawat nunal ay may kanya kanyang katangian
kaya’t kung mag-aasawa kayo, nunal ay pagmasdan
talking about, talking about, talking about mga nunal
mga nunal.. mga nunal.. mga nunal..

wag kang magtataka kung ano itong nunal
hindi nyo ba alam na ito’y mahalaga
ayon sa ating ninuno, ito’y palad ng buhay
na makikito nyo sa ibat ibang uri

may nunal na pula, nunal na buhay
may nunal na lumalaki at may nunal na may buhok!
at kung kayo’y walang nunal, kayo ay abnormal
itong mahiwagang nunal ay aking isasalaysay

nunal sa ulo, mautak raw
nunal sa batok, takaw-tulog
nunal sa labi, tsismosa daw
nunal sa ilong, dapang ilong
nunal sa tenga, tengang daga
nunal sa kuko, kuko’y patay
nunal sa tsiko, ay komang raw
sa kili kili, tok-pu raw

oy! ay may nunal ka sa dibdib ah
naku tatawa tawa ka dyan, day!
meron ka rin sa leeg eh
wow pare! ikaw rin!

nunal sa dila daldalera
at sa balakang, sexy dancer
nunal sa iyong leeg, chikinini
nunal sa braso, bakuna raw
sa iyong dibdib, hikain raw
nunal sa finger, hayukin raw
sa talampakan, pala-alis
patay na nunal, hindi buhay

ngayon alam nyo na ang katangian ng mga nunal
kayo ng bahalang tumingin ng iyong nunal
kaya kung mag aasawa kayo’y nunal ay pagmasdan
talking about, talking about, talking about mga nunal
one little two, little three, little four nunal
one little two, little three, little four nunal