Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (3 votes, average: 4.33 stars)
Loading...

Markang Bungo – Valley of Chrome Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Markang Bungo – Valley of Chrome

ang bawat araw mo
dito sa mundo
meron bang kahulugan?
meron bang pupuntahan?
sa bawat takipsilim
sa pagpikit ng iyong mata
sa bawat gabing walang awa
mga araw ng pandudusta

hindi ka na nag iisa
sa laban ng kaluluwa
sulitin ang bawat hinga – markang bungo

tibok ng puso ay may rason
ikaw ay hinubog ng panahon
ikaw ay kulog at kidlat
nasusunog na silang lahat
binabasag ang bawat balakid
kapalaran sa iyo ay papanig
ambag mo’y mararamdaman
di ka malilimutan

hindi ka na nag iisa
sa laban ng kaluluwa
sulitin ang bawat hinga – markang bungo

ang buhay natin ay panandalian lang
mabilis man ito ngunit may kahulugan

hindi ka na nag iisa
sa laban ng kaluluwa
sulitin ang bawat hinga – markang bungo

bigyan na natin ng rason
ang noon at ngayon
di na mababalewala

binabasag ang bawat balakid
(hindi ka na nag iisa)
kapalaran sa iyo ay papanig
(sa laban ng kaluluwa)

sulitin ang bawat hinga-markang bungo