Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 1.00 stars)
Loading...

Indak – Up Dharma Down Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Indak – Up Dharma Down

Tatakbo at gagalaw
Mag-iisip kung dapat bang bumitaw
Kulang na lang, atakihin
Ang paghinga’y nabibitin

Ang dahilan, alam mo na
Kahit ano pang sabihin nila
Tayong dalawa lamang ang makakaalam
Ngunit ako ngayo’y naguguluhan

Makikinig ba ko sa aking isip
na dati pa namang magulo?
O iindak na lamang
Sa tibok ng puso mo at aasahan ko na lamang bang
Hindi mo aapakan ang aking mga paa
Pipikit na lamang at mag-sasayaw
Habang nanonood siya

Paalis at pabalik
May baong yakap at sukli ‘yan na halik
Magpapaalam at mag-sisisi
Habang papiglas ka ako sayo ay tatabi

Tayong dalawa lamang ang nakakaalam
Ngunit hindi na matanto kung sino nga ba ang pagbibigyan ko
Makikinig nga ba sa isipan na alam ang wasto
Ngunit pipigilan ang pag-ibig niya na totoo

Iindak na lamang ba sa tibok ng puso mo
At aasahan kong hindi mo lamang aapakan ang aking mga paa
Pipikit na lamang at mag-sasayaw
Habang nalulungkot ka
Pipikit na lamang at magsasaya
Habang nalulungkot ka

Ako’y Litong-lito
Tulungan niyo ako
Di ko na alam
Kung sino pang aking pagbibigyan o

Ayoko na ng ganito
Ako ay litong-lito