Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...

Mas Mabuti Ng Magparaya – Tunog Ng Muntinlupa Feat. Inozent One Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Mas Mabuti Ng Magparaya – Tunog Ng Muntinlupa Feat. Inozent One

Handa na kong magparaya at ibigay ang kalayaan mo
kung saan ka magiging masaya, tatanggapin anoman ang sabihin ng iba.
Masakit man para sakin, ay aking kakayanin na mawala ka na
dahil kung hindi ka sakin liligaya, ay para san pa ang pagmamahal ko
kung iba naman ang laman ng puso at isipan mo
na inaakala mong ako lang ngunit lahat ay nabigo.
Nagbago ang takbo ng mundo kasabay ng pangako mong napako,
pangarap ko ay gumuho kasunod ay luha kong tumulo.
Hindi ko nagawang maawat pa,
hindi ka ba naaawa sakin sayong mga ginawa.
Umaasa sa pagbabalik mo na hindi ko naman talaga natitiyak,
damdamin ay binibiyak pati puso’y umiiyak, walang makausap at nag-iisa
magmula sa sitwasyong pinagsisihan ko na mahalin ka
dahil sa huli ang pinili mo’y iba

Sige dun ka nalang sa kanya
kung sakin ay hindi mo na madama ang pagmamahal
sige lang dun ka nalang.
Sige dun ka nalang sa kanya
kung sakin ay hindi ka na masaya
titiisin ko nalang dahil nga totoong mahal kita

Ginawa ko ang lahat, para lang mapatunayan ko
na ako’y naging tapat, pag-ibig kong inalay sayo’y buong-buo.
Subalit, bakit anong naging balakid para umatras ka sa ating sumpaan,
bigla kong nag-alinlangan na baka hindi ako ang taong inilaan
ng Panginoon sayo.
Tumalikod ka, sa pangako na para tayo sa isa’t-isa,
mahal kita pero asan ka,
sumama ka na sa iba sinta, iniwanan mo ako na mag-isa,
bakas ang luha sa mga mata, nababalutan ng kaba,
takot na baka tuluyang mawala ka na pero kung mangyari man
sana lang hindi ka nya saktan, tanging ligaya
at saya lang ang ipakita nya
na ikaw ang taong pinakamahalaga, tulad ng aking ginawa,
hindi mo lang nalahata, kaya ka sakin nawala

Sige dun ka nalang sa kanya
kung sakin ay hindi mo na madama ang pagmamahal
sige lang dun ka nalang.
Sige dun ka nalang sa kanya
kung sakin ay hindi ka na masaya
titiisin ko nalang dahil nga totoong mahal kita

Kasalanan ba, ang magmahal ng buong tapat
bakit kailangan mo akong iwanan, hindi pa ba ko naging sapat.
Ang pag-ibig, ang pag-ibig, biglang nanlamig, biglang nanlamig
hindi pala ko ang ibig ng puso mo, iba pala ang nais ng damdamin mo.
San nga ba ako nagkulang at upang ang katulad ko’y gawing laruan,
at magpapaubaya, magpaparaya na lamang ako kung kaliligaya mo
pipilitin ko ng lumayo sa piling mo mahal, mahal paalam na sayo…

Sige dun ka nalang sa kanya
kung sakin ay hindi mo na madama ang pagmamahal
sige lang dun ka nalang.
Sige dun ka nalang sa kanya
kung sakin ay hindi ka na masaya
titiisin ko nalang dahil nga totoong mahal kita

Videokeman Search