Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (39 votes, average: 4.87 stars)
Loading...

Langit Umaawit – Tom Rodriguez Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Langit Umaawit – Tom Rodriguez

Bakit ba hindi nakita?
Noon pa man ikaw pala
Ang tanging hinahanap
‘Di pa tinanggap

Bakit nagbulag-bulagan?
Bakit di pinagbigyan?
Kahit may nadarama,
Hinayaan ko lang.

Ngunit ihip ng hangin nag-iba.
Ngayon, namamangha sayo tuwina.

Langit umaawit,
Araw ngumingiti,
Tala’y nagniningning
‘Pag ika’y kapiling
Parang isang tula
Ang ating puso’t diwa
Tugmang-tugma sa kinatha
Ng tadhana

Unti-unti mong binuksan
Ang puso kong nasaktan.
Damdamin ko’y iningatan
At inalagaan

Himig mo’y naging sagwan.
Sa liwanag ng buwan,
Atin ding natagpuan
Ang pagmamahalan

Ang mga anghel kumakanta
Sa mga bituin nagsasaya

Langit umaawit,
Araw ngumingiti,
Tala’y nagniningning
‘Pag ika’y kapiling
Parang isang tula
Ang ating puso’t diwa
Tugmang-tugma sa kinatha
Ng tadhana

Ang lahat ng naganap
Nagtungo sa ‘ting pangarap
Sa wakas ay ating nadatnan…
Ang walang hanggan.

Langit umaawit,
Araw ngumingiti,
Tala’y nagniningning
‘Pag ika’y kapiling
Parang isang tula
Ang ating puso’t diwa
Tugmang-tugma sa kinatha
Ng tadhana
Tugmang-tugma sa kinatha
Ng tadhana