Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (5 votes, average: 3.80 stars)
Loading...

Kamusta Pa – Thike of Rp.niggaz Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Kamusta Pa – Thike of Rp.niggaz

Verse I
Kamusta na, tanong ay nasan ka na ba?
Di ko kasi alam kung ako ay namimiss mo pa
Kasi ako miss kita,miss na miss na kita pa
Lalo na yung mqa araw na maqkakasama pa

Ako ikaw sila tau tau dito satinq bahay
Kasalo ang lahat kahit na sa simpling bagay
Ikaw ang umagapay sa akin umalalay
Kahit kanino man ikaw ang da BesT nA tatay

Ako’y nasanay na laging na sa tabi
Ang isang katulad mo na palagi kong kakampi
Di ako naging api dahil may isang ikaw
Tinuro ang tamang daan kaya ako’y di na liqaw

Salamat dahil sa ikaw ang aking naging ama
Hayaan mo ako na pasalamatan kita
Na nagmula sa aking pusong sinasabi ng bibiq
Kaso sayang dahil di mo na ito maririniq

Chorus:
Do you know my name if i saw you you heaven
Never be the same if i saw you you heaven

Verse II
Alam mo bang kung minsan gusto kung magalit ng sagad
Kung minsan ay qusto ko na din pong sisihin toh si god
Kasi kinuha ka agad ng di kami naging handa
Pangarap ko pa naman alagaan ka sa pag tanda hay..

Hirap ng buhay kapag wala ka
Alam mo ba hirap pag di kita kasama
Alam mo pa na di ako yung anak na pingarap mo
Dahil di ko natupad ang mga pangarap mo

Ganun pa man ay di mo sakin pinakita
Ang aking kaibahan dahil sa iyong disiplina
Di nasama sa gulo at di naging lulong sa bisyo
Pera lang sa pag rarap maging alak at sigarilyo

Miss ko na ang lahat ng pinagsamahan
Miss ko nq may matutunan sa ating pag uusapan
Miss ko na ring kumain tau nq magkasabay
Miss ko na rinq umuwe na ikaw ang nag aantay

Miss ko na din ang umagang tinitipun mo kami
Upang tayo ay sabay sabay humigop ng kape
Napakaraming namimis na alaalang ka’y sarap
Na tila ba hindi na mauulit sa isang iglap

Chorus:
Do you know my name if i saw you you heaven
Never be the same if i saw you you heaven

Verse III
Alam mo bang ang daming luha na tumulo
Bawat isa sa amin balisa at nanlulumo
Ang aming mundo ay tila ba biglang gumuho
At naisip ko sana lahat ng to ay biro

Ikaw ay nakahiga di nanagsasalita
Wala ng reaksyon na sayo ay nagmumula
Iniisip ko na lang na sana ay nasagip
Kahit na nakita ko na meron ng nakatakip

Sayo na puting kumot may papel na iyong ngalan
Rinig ko ang sigaw maging ang mga iyakan
At ng aking binuklat ay wala na akong nagawa
Kundi yumakap sa iyo at humalik sayong muka

Inisip ko sa kabila ng mabubuting nagawa mo
Ay di pa mas nauna ang mga masamang tao
Gusto sana mabago ibalik ang panahon
Pahintuin sa mga araw na kasama ka noon

Dahil panoh na ngayon at paano na kami
Dahil di kami sanay na wala ka sa tabi
Iba pa rin pag nanjan ka sana lang alam mo yon
Pero sana OK ka sa piling ng panginoon

(REPEAT CHORUS) 2X

Submitted by: Jayrick