Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...

May Minamahal – The Juans Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of May Minamahal – The Juans

May minamahal
Bawat taong may damdamin, may minamahal
Tulad mo at tulad ko
Nakadama sa isa’t isa ng pag-ibig
At ngayo’y nagmamahalan ng tapat

Pag nagmamahal
Bawat sandaling kasiping ka’y anong bilis
Bawat oras ay mayro’ng
Kasaysayang anong sarap, anong tamis
Maligaya nga ang taong nagmamahal

Kaya ako’y napaligaya
Ng tunay mong pagmamahal
Ang lahat ng katangian ay na sayo
Ningning ng mata, lambot ng labi
At ugaling walang kapintasan
Nababalot ng alindog, katawang tunay

Pag minamahal
Kulay rosas ang paligid ko
Sa tuwi-tuwina nakayapak sa ulap
Buong mundo’y nagagalak
Na mayroong nagtatalik na dal’wang
Pusong nagmamahal

Kaya’t tayo’y magpasalamat sa ating kapalaran
Nasa atin ang kaganapang hinahanap
Ng bawat nilalang na may puso rin
Dahil tayo’y hindi magbabago hanggang may buhay

May minamahal
Bawat taong may damdamin
May minamahal
Tulad mo at tulad ko
Nakadama sa isa’t isa ng pag-ibig

Kaya’t habang may pag-asa kayo
Humanap ng pag-ibig na totoo
Saka lang liligaya
Kung mayron ng tunay na minamahal

Ohhh… May minamahal
Bawat taong may damdamin may minamahal
Tulad mo at tulad ko
Nakadama sa isa’t isa ng pag-ibig

Kaya’t habang may pag-asa kayo
Humanap ng pag-ibig na totoo
Saka lang liligaya
Kung mayron ng tunay na minamahal

May minamahal.