Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (6 votes, average: 4.50 stars)
Loading...

Utol Ft. Ezy – Target Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Utol Ft. Ezy – Target

ang awit na ito’y alay sa inyo
kamusta na mga kapatid ko?
Naalala ba ang nakaraan?
wag sanang kalimutan ang ating samahan

utol anong balita sa iyo, kamusta na?
sa tagal na di nagkita, ang buhay ayos pa ba?
may asawa ka na ba? san kayo nakatira?
ako pa rin yung dating Eboy, at walang pinag-iba
paki-kamusta nga pala, si nanay at si tatay
matagal na din akong di nakapasyal sa inyong bahay
kung sabagay sadya tayong nasanay sa buhay
pa easy easy lang mas madalas pa nga ang tagay
at sana’y inyo pang naaalala, bawat pakikibaka
minsan ay sariwain ang magandang pagsasama
walang sawang kwentuhan, inuman magdamagan
sa harap ng mga chikas ang laro natin laglagan
na tuksuhan, minsan nagtatampuhan
parang walang ibang alam puro kalokohan
kay hirap malimutan ng mga araw na dumaan
kay sarap na balikan sa isip ang nakaraan

Chorus:
Utol… ang awit na ito’y alay sa inyo
Utol! kamusta na mga kapatid ko?
Utol! Naalala ba ang nakaraan?
wag sanang kalimutan ang ating samahan

Kamusta na ang Alma Mater, ilan ang residente
sino sinong ang opisyal, sinong bagong presidente?
solido pa ba tayo? lahat ba ay aktibo?
di pa ba bumibitaw lahat ng mga naiwan dito
yun pa din ba ang tambayan? pwede bang masilayan?
at ako ay tibrehan pag meron kayong bigayan
parang di ko namalayan ang lumipas na mga araw
samahan na saking puso ay walang makakaagaw
at kahit na magbahaw ang mga sugat at pasa
ko saking hita, na para bang nahiwa
dama ko pa rin ang init ng patak ng mga kandila
at natutuong rumespeto kahit may dugo kang siga
ang tunog ng palakpakan pag tinanggal ang piring
para bang nakuha mo ang matagal mo ng hiling
magsasalo sa piging, turingang magkapatid
eto ang mga mensaheng nais kong ipahatid

Chorus:
Utol… ang awit na ito’y alay sa inyo
Utol! kamusta na mga kapatid ko?
Utol! Naalala ba ang nakaraan?
wag sanang kalimutan ang ating samahan

At kahit na pinagalitan ng magulang sa pagsama
at laging nasesermunan dahil ako’y inuumaga
ang dami daw ng konsekwensya, sa iba may deperensya
walang maidudulot na mabuti at masama ang impluwensya
ngunit sa ‘king konsensya, may ibang paniniwala
kanya kanya lang unawa tayo’y di na mga bata
basta wag lang tapakan ang prinsipyo’t kapatiran
walang dapat pagtalunan, may tamang pangangatwiran
ang aral kong natutunan, gagamitin na puhunan
sa sariling paraan ang lipunan ay tutulungan
at itrato ang iba, sa paraan na kung paano
nmo gusto na itrato ka rin nila, mag-iiba
ang paningin at pananaw ng mga tao sa mundo
na tayo ay mga edukado at ndemga sanggano
kahit gano ka katapang ay marunong kang gumalang
kapag may kasalanan ay tumatanggap ng salang
tayo ay rumerespeto sa marunong rumespeto
at handa kong ipagmalaki sa kahit anong aspeto
ngayon ang mga sikreto gagawin ko ng legal
at masarap lang ang pagbati kung ang S ay capital

Chorus:
Utol… ang awit na ito’y alay sa inyo
Utol! kamusta na mga kapatid ko?
Utol! Naalala ba ang nakaraan?
wag sanang kalimutan ang ating samahan

Chorus:
Utol… ang awit na ito’y alay sa inyo
Utol! kamusta na mga kapatid ko?
Utol! Naalala ba ang nakaraan?
wag sanang kalimutan ang ating samahan

Videokeman Search