Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (10 votes, average: 4.60 stars)
Loading...

Kung Wala Ka – Target Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Kung Wala Ka – Target

Itong kanta ay ginawa ko para sayo talaga
Kasi gusto ko ipaalam sayo ang iyong halaga
Sa buhay kong ito parang ikaw aking lakas,
Ikaw lang ang masusunod, ikaw ang aking batas

Ganito magmahal isang makatang tulad ko
Hindi pa kayang higitan kahit sampung romantiko
Kahit minsan ugali mo, di ko maunawaan
ngunit ang ibigin ka hinding hindi pagsasawaan.

Paano kaya ako pag ika’y nawala
Baka hindi na makakain at laging tulala
Pag ika’y lumisan baka ako’y mabuang
Sa Buong katawan ko turnilyo ko’y luluwang

Pano na kaya kung mawala ka
Parang di ko kayang mabuhay mag-isa
Ang nais ko lang ika’y ibigin
Pagkat ikaw lang ang kaya kung mahalin

Kung wala ka nga pala naku paano ba to
Baka maya’t maya na lang naisin kong magbato.
Kahit na ayoko mapipilitang gawin
At kung wala ka na baka panis ang nguyain.

Kasi sa mundo na ito parang wala na rin silbi
Baka kay Manny Pacquiao naisin kong magpagulpi
Kahit ako’y umani ng mga tagumpay
At kung wala ka sa akin araw gabing malulumbay.

Kahit ako’y sumikat, kahit ako’y yumaman
Di ko rin maeenjoy kasi wala ka naman.
Wala ng musika, laos na ang harana
Mas nanaisin ko pa ngang mundo ko’y bumaha na.

Hindi na gagana ang isip kong malawak,
Hindi na rin susulat lahat ng lapis ko na hawak
Ayoko ng gumalaw kapag ika’y lumisan
Baka hangarin ko na lang sumanib sa mga tulisan.

Pano na kaya kung mawala ka
Parang di ko kayang mabuhay mag-isa
Ang nais ko lang ika’y ibigin
Pagkat ikaw lang ang kaya kung mahalin

Nawawala problema ko sa tuwing nakangiti ka
Sa tuwing ika’y nalulungkot saking tabi halika
Aking ipapakita pag-ibig ko na tunay
Ako’y magsisilbing alalay mo sa habang buhay.

Pagkat para sa akin ika’y walang katumbas
Hindi kita pagpapalit kahit sa pagtutumbas
Ngunit pag lumisan ka san ako lulugar
Baka ako’y magsimula ng pangatlong world war.

Pagkat para sa akin wala ng kwenta ang lahat
Kapag ikaw ang lumayo ang mundo ko’y bibigat
Mawawalan ng tamis puro pait at dusa
At kung ako’y iiwan mo magiging taong grasa.

Mawawala sa katinuan mawawala ang tapang
Baka imbis na lumuhod sa simbahan gumapang
Para lang ipagdasal na ika’y bumalik
Kasi sayong pagkawala ako’y magkakasaltik – saltik3x

Pano na kaya kung mawala ka
Parang di ko kayang mabuhay mag-isa
Ang nais ko lang ika’y ibigin
Pagkat ikaw lang ang kaya kung mahalin

Pano na kaya kung mawala ka
Parang di ko kayang mabuhay mag-isa
Ang nais ko lang ika’y ibigin
Pagkat ikaw lang ang kaya kung mahalin

Videokeman Search