Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (2 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

Ang Pinakamagaling Na Tao Sa Balat Ng Lupa – Sugarfree Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Ang Pinakamagaling Na Tao Sa Balat Ng Lupa – Sugarfree

Ang Pinakamagaling Na Tao Sa Balat Ng Lupa – Sugarfree

Nandito na sya…
Maniwala ka na lang sa kanya
pag sya na ang nagsasalita
Wag ka na lang mag-alala, dahil mali ka
at lagi syang tama
Lahat na yata ng iyong sabihin, kaya nyang kontrahin
wala na yata syang di kayang gawin
wala na yata syang kasinggaling

[chorus]
Heto na sya, ang henyo ng henerasyon
Kaya mga kaibigan, magpalakpakan
Lumuhod sa kanyang harapan
Halikan ang kalsadang kanyang dinadaanan
Heto na sya, ang pinakamagaling na tao
sa balat ng lupa.

Ang laki siguro ng utak nya, wala nang librong di pa nababasa
Siguro di sya tao, alam na nya ang bawat sulok ng mundo
Kahindik-hindik ang nalalaman, sa mga bagay na
kailan man ay di pa nya nararanasan
Hindi masukat ang kanayang kagalingan

[repeat chorus]

Kamukha na nya si Ernie Baron
May biyak din sa gitna ang barong
May kasagutan sa bawat katanungan
Kahit wala naming nagtatanong
Di bale nang wala syang kaibigan
Dahil hamak lamang tayong taga-lupa
Gawan na natin sya ng rebulto
at ilagay sa tuktok ng mundo

Videokeman Search