Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...

Dulo’t Simula – Zuela Herrera X SUD Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Dulo’t Simula – Zuela Herrera X SUD

Matagal na nila tayong pinagmamasadan
Pilit sinusubukang paghiwalayin maski ang ating mga katawan
Nagmistula ng mga selda sa mga salitang nagmamakaawang makalaya
Ngunit hindi pinagbibigyan

Silang may mga rehas at mapagmatyag na mga mata
Silang mga nagdedekta na mauuwi lang ang lahat sa sakitan
Na hindi kakayanin ng iyong mga kislap ang aking kalungkutan
Na ang ihip mong mabangis ay walang ibang dala kundi kapahamakan

Pero mahal, gabi gabi, hindi ko mapigilang mamangha
Sa gandang dala sa pagtatalik ng mga tala at dilim
Hindi ko makita ang piligro sa hanging mabagsik
Na walang ibang hinangad kundi tulungan ang mga alon na maabot ang dalampasigan

At paikot ikot lang tayo, mag-iba man tayo ng anyo
Magpatalon talon man tayo sa ibat ibang panahon
Sa ating muling pagkabuhay ay bumabalik tayo
Dito, sa ating ikaw at ako

Palibutan man tayo ng mga taong tatawagin nating sila
Ay patuloy tayong pinagtatagpo ng mga salitang Mahal Kita

Ilang beses na tayong umalis, ilang beses na tayong bumalik
Kaya mahal, hindi na ako natatakot ngayon
Alam kong kahit nakapikit ay matatagpuan kita
Dahil ang ating mga pusoy natutunan ng sumayaw sa dilim

Gumising man ako sa mga panahong hindi tayo magkakilala
O may iba tayong mga kapareha
Sa susunod na buhay susubukin nating muli
Kahit ganito nila tayo laging pinagmamasdan

Palaging inaabangan ang isang hiwalayan
Bahagharing hindi sapat na malaman ang pinagmulan
Pilit hinahanap ang dulo at katapusan
Gaya kung sa kung paano nila sambahin ang karimlan

Tuwing nilalamon ng buwan ang araw sa papawirin
Pero ni minsan, hindi nagtagumpay sa dalang sinag ng bagong umaga
At ganito, tayo, palaging magpapaalam

Kagaya ng ulan, iligaw man ng mga ulap sa tuktok ng kabundokan
Anurin man sa ilog na rumaragasa
Ay mahahanap at mahahanap ang daan pabalik sa karagatan

Kagaya ng bulkang pilit na pinatatahimik ng mga naglalakihang mga bato
Kaya paring pagbitak bitakin ang lupa di kayang pigilan ang sidhi
Na kagustuhan nating kumawala

Hito ang aking walang hanggan na kahit ngayon nanginginig
At kulokulobot naay hindi pa rin tumitigil na abutin ka

Hito ang aking mga hiyaw na kahit matagal ang pagbalik ng kanilang alingawngaw
lalo mo lang matutuklasan kung gaano kalalim ang pag-ibig na pinanggagalingan

Hito ang aking mga tula palihim mang baybayin ang mga salita
Baguhin man ang hubog nila at dalhin ng mga bantas sa kung saan ay bumabalik sa kanilang pinagmulan

Lahat, inialay ko sayo
Bumabalik parati para hilumin ang hati ng dalamhati
Para hanapin ang ugat ng mga sugat para yakapin ang aking ibig sa pag-ibig

Kaya panuorin nalang natin silang mapagod bigyang wakas ang ating storya
Dahil pagkatapos ay hindi ito magtatapos at ito na naman tayo
Tapos, sigurado pa rin ako, dito tapos sa agos ng uniberso magtiwala lang tayo
Tapos, hindi mahalaga kung huli na o andito pa lang tayo sa simula

Dahil patuloy lang natin siyang dudugtungan
Lalapit ako’t muling sasabihing “Pakiramdam ko nakilala na kita”
Susundan mo ng “Bakit nakatingin silang lahat sa’ting dalawa?”
Ngingiti ako’t sasabihing, “Mahal, hayaan lang natin sila”