Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (2 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

Maghihintay – Street Soldierz Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Maghihintay – Street Soldierz
sTrEeT SoLdiErz – MAGHIHINTAY LYRICS

wag kang mag-alala nandito lang ako
aking pangako, maghihintay parin sayo
ang tangi kong hiling, sana’y iyong dinggin
sigaw ng puso pangalan at pagmamahal mo

(1st stanza)
wag mo sanang pag tabuyan ang puso kong ito..
ayos lang naman kung sa akin ay ayaw mo..
wag kang mag alala, pangako hindi aasa
sapat na sakin yung tayong dalawa’y nagkakilala

kapag iniiwasan ka ako’y namamang-mang
pag dika nakikita ako’y nabubuwang
di alam kung bakit bigla nalang nagkaganito
ang puso ko ay tinamaan na sayo

ang akin lang naman sana ay tandaan mo
nandito lang ako naghihintay parin sayo
handang punasan mga luha sa iyong mga mata
itaboy ko ang lungkot ibalik ko ang saya

lahat ay gagawin, manumbalik ang ngiti
sa mga labi aalisin ko ang hikbi
at ang sakit na dulot nya na ‘yong nararanasan
tawagin man nilang tanga hindi kita iiwan

(chorus)
wag kang mag alala, nandito lang ako
aking pangako maghihintay parin sayo
ang tangi kong hiling, sana’y iyong dinggin
sigaw ng puso pangalan at pag mamahal mo

wag kang mangangamba ikaw ay nag-iisa
sa puso ko at handa kong maghintay sa pag-babalik mo
sanay naririnig mo, ang awit ng pusong umiibig
at laging nandyan para sayo

(2nd stanza)
umasa kang di magbabago pagmamahal sayo
aking prinsesa, ikaw lang ang laman ng puso ko
sabihin man nilang, paglalaruan mo lang ako
pero nandito parin umaasa saiyo

nang makilala kita hindi na naghanap pa ng iba
ngunit walang pag-asa, yan ang aking nadarama
hindi napapansin kahit anong aking gawin
subukan ma’t pilitin kaibigan lang ang turing

ang makita ka na masaya sa akin ayos na
hindi na ako maghahanap pa ng iba
at kung pag sama sa kanya ang tangi mong kaliligaya
kahit na masakit para sayo mag paparaya

maghihintay ako, kahit na ilang taon
at kahit pa nahihirapan kakayanin ko yon
alam ko naman na komplikado ang ating sitwasyon
maghihintay ako dahil iyon aking misyon..
(repeat chorus)

(3rd stanza)
eto na ang huling salita na aking bibitawan
aking mahal sana ay dinggin mo ang mga nilalaman
ng puso ko, sinisigaw lagi pangalan mo
at kahit nasasaktan sayo parin nagsusumamo

wag mong itali ang sarili sa nakaraan
mahal kita’t umasa kang hindi ako lilisan
kahit na minsan, na parang gusto ng sumuko
pero bakit ganun hindi ko kayang lumayo

aking mahal, handa ako sayo mag-paalipin
basta’t pangako mo wag mo akong paaasahin
di kakayanin ang lumisa’t mawala ka
pagkat dito sa puso ikaw lang nag-iisa

ang lumingon sa iba, yan ang di ko magawa
mukha atang tinamaan na sayo ng malala
alam ko na hindi sadya pero bakit ganto epekto
ang ako na manloloko bat sayo nag seryoso
(repeat chorus 2x)

Videokeman Search