Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (290 votes, average: 4.63 stars)
Loading...

Sa Aking Panaginip by Loraine – Still One Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Sa Aking Panaginip by Loraine – Still One

Chorus:
Di matangap na wala ka na
sa panaginip ko’y palagi kang nandun
at tayo’y magkasaa
binabalikan ang mga nagdaan sa atin
dahil di ako sana’y ng wala ka

magkahawak kamay naglalakad sa tabing dagat
tirik man ang araw parang langit pag nakayakap
ako sa iyo tapos nakahawal ka sa king braso
nangangarap habang nakatingin tayo sa malayo
ang dami kong hiling ang dami kong gustong gawin
mga bagay upang pag-ibig ko’y lalo mong damdamin
gusto ko yung ganito yung hawak ko ang yong kamay
magka-akbay, parang wala na yatang papantay
sa pintig na kakaiba, na hatid mo sa akin
ako’y ganado pag ikaw ang kasabay kong kumain
ang yong halik na ang dulot ay ngiti na abot tenga
kaligayahan na di kayang mabibili ng pera
di ko kayang isipin ang buhay ng di ka kasama
naiisip ko pa lang ako’y parang maluluha na
katabi kita pero ba’t ganto ang pakiramdam
nalulungkot pa rin ako at labis na nasasaktan

Chorus:
Di matangap na wala ka na
sa panaginip ko’y palagi kang nandun
at tayo’y magkasaa
binabalikan ang mga nagdaan sa atin
dahil di ako sana’y ng wala ka

ating kamay ay pinag-isa at ikinorteng puso
tanda ng pag-iibigan nating hindi susuko
sa kahit anong hamon sa ating pag sasamahan
tumanda man tayo hinding hindi magkakasawaan
gusto ko yung ikaw ay lagi kong sinusurpresa
walang imposibl pag dating sayo aking prinsesa
dito tayo sa gitna ng hugis pusong kandila
magpapaka romantiko ‘ko upang mapangiti ka
mga litrato natin itatali sa mga lobo
kakantahan kita kahit medyo wala sa tono
maipadama ko lang kahit sa simpleng paraan
kung paano kita mahalin at pahalagahan
sinusumpa ko sa harapan ni ama
na sa lahat ng sandali at oras ay iingatan ka
pero bakit ganito ang bigat ng pakiramdam
nalulungkot ako parang may problemang dinadamdam

Chorus:
Di matangap na wala ka na
sa panaginip ko’y palagi kang nandun
at tayo’y magkasaa
binabalikan ang mga nagdaan sa atin
dahil di ako sana’y ng wala ka

at biglang buhos ng ulan ang tulog ko ay naudlot
panaginip lang pala sa tabi ng iyong puntod
mata ko’y ipinikit pinilit muling matulog
di alintana ang patak ng luha na nahuhulog
sa aking mata! kahit basang-basa na ng ulan
hindi ko kase alam kung paano ko sisimulan
ang buhay ng di ka kasama, sinanay mo kasi ko
na laging masaya at ang araw ko ay kumpleto
wala na akong kasabay mag-sipilyo
wala ng makulit na laging uupo dito sa binti ko
wala na akong ka-subuan kapag kumain
sa tuwing a-trese wala na kong susurpresahin
wala na akong bibigyan ng bulaklak
at yayakapin sa harapan ng mga taong pumapalakpak
wala na ang babaeng habang buhay kong mamahalin
lahat ng yan ay tanging sayo ko lamang kayang gawin

Chorus: 2X
Di matangap na wala ka na
sa panaginip ko’y palagi kang nandun
at tayo’y magkasaa
binabalikan ang mga nagdaan sa atin
dahil di ako sana’y ng wala ka

Videokeman Search