Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

Please Wag Naman – Still One Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Please Wag Naman – Still One

nabigla lang ako patawad sa aking mga nasabi
kung sino sino ang aking nadamay mga malapit sa iyong lalaki
hindi ko kasi maiwasan masaktan kapag nakikita
ang lambing mo sa kanila wag mo kong sabayan teka lang makinig ka
ako ay nagpapaliwanag wag mo na akong pahabulin
kasi pag ika’y lalayo puso kong ito ay para mong dudurugin
patawad kung naging makitd ang utak ko dahil ayaw ko ng maabot
ka ng ibang naghahangad sa iyo kaya ganun kita kung ipagdamot
alam mo ba ang pakiramdam pag may lakad ka na di ko alam
para akong pinaglaruan dahil ang sabi mo sakin ay nandito ka lang
bakit hindi mo sakin sabihin? bakit kailangan mong ilihim?
mga mata ko ay dilat pero mas pinili ko na lang na ipiring
upang hindi ka umalis at sa akin ika’y manatili
ayoko sa akin ikaw ay malayo, kailangan ko pang habaan ang aking pisi
ngunit ako ay tao lang na napupuno yun ang di mo inunawa
kaya sa ating relasyon ngayon pilit akong mawala ka

Chorus:
wag naman, wag mo naman akong iwan
pwede ba nating pag-usapan?
maliit na bagay lang naman, please naman
wag na natin tong patagalin
pagkat ikaw lang ang kaya kong mahalin
patawarin mo na ‘ko
please wag naman

Miss na kita ilang araw mo na ako binabalewala
pag dadalawin kita sa bahay niyo sagot sa akin ay laging wala
nakakainis dahil kahit anong gawin wala akong magawa
pakiramdam ko ayaw mo na sa akin gusto mo ng mawala
di pa ako handa, ayoko pa, hindi sa ganitong dahilan
pagpapatawad lang ang aking hiling wag mo naman pagkaitan
alalahanin mo yung mga araw na tayo’y magkasama
ipikit mo mga mata mo, baka sakali iyong maalala
limot mo na ba ha? kaya ganun sayo kadali sayo ang mamaalam
sa relasyon na ating binuo na halos buong mundo ay ating makalaban
tapos ngayon sa maliit na rason ay gusto mo ng hiwalayan
parang ibang-iba ka na ngayon, aking mahal, ikaw pa ba yan?

Chorus:
wag naman, wag mo naman akong iwan
pwede pa nating pag-usapan
maliit na bagay lang naman, please naman
wag na natin tong patagalin
pagkat ikaw lang ang kaya kong mahalin
patawarin mo na ‘ko
please wag naman

pero dumating sa punto na nakita ko nag may kasama kang iba
di makapaniwala sa king mga nakita, ng sumama ka na papunta sa kanila
bakit mo sa akin nagawa ‘to? kaya pala pinagtutulakan mo na ako
meron ka na palang bago, tang-ina ako pa yung pinag-muka mong gago
kala ko pa naman ako ang masama, kala ko pa naman ako ang pabaya
halos mamatay-matay ako sa lungkot, iniisip kung ako’y naaalala mo kaya
pero yun pala masaya ka na sa piling nya, habang ako may luha sa mga mata
habang ang puso’y durog na, na parang abo
tang-ina mo, nasaktan ako, tignan mo sobrang wasak na ako
sabi mo di na ako iiyak pero pumatak ulit ng dahil sayo
ang mga luha sa aking mata na nagsasabing ako ay pagod na
pero ganun pa man sana maging masaya ka, kanino ka man mapunta
sana ingatan ka nya katulad kung pano kita pinahalagahan
mga pangako at pagmamahal na buong puso kong pinangatawanan
di na kita kailangan guluhin, pangako ako ay mananahimik na
di ako naging masama, mali ko lang ay sobrang inibig ka

Chorus:
wag naman, wag mo naman akong iwan
pwede pa nating pag-usapan
maliit na bagay lang naman, please naman
wag na natin tong patagalin
pagkat ikaw lang ang kaya kong mahalin
patawarin mo na ‘ko
please

wag naman, wag mo naman akong iwan
pwede pa nating pag-usapan
maliit na bagay lang naman, please naman
wag na natin tong patagalin
pagkat ikaw lang ang kaya kong mahalin
patawarin mo na ‘ko
please wag naman