Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

Pinapalaya Na Kita – Still One Ft. Independyente Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Pinapalaya Na Kita – Still One Ft. Independyente

Chorus:
mula ngayon malaya ka na
magagawa mo na ang lahat gusto mo
kahit masaktan man ang puso ko
tama na, huwag na ako habulin pa
dahil pagod na pagod na akong masaktan sa iyo
tapusin na natin to, malaya ka na

tila ba ako’y basag na salamin
na mahirap ng muli pang buohin
buhat na paulit-ulit na biyakin
ng babae na nakakapagod mahalin
alam mo ba minahal kita ng totoo
kahit na madalas ako sayo na mapuno
dahil sayong paulit-ulit na pagloloko
hindi ko kasi kayan na hindi tayo buo
kaya pinapatawad kita
kahit na umaabuso ka na di ba
hindi ko hiningi sayo na magpahinga
kahit na sa sakit para na akong magigiba

pero hindi ka nadadala
paulit-ulit mo pa ring ginagawa
buong akala mo ako’y natatawa
pero ang totoo gusto ko nang magwala
galit na galit, humihikbi
bakit hindi pa natin to tapusin
wag mo sabihin sa kin na ikaw ay magbabago na naman
at hindi mo na naman uulitin
nakakabingi bukang bibig yan
bakit hindi mo pa ako layuan
ano bang tingin mo sakin laruan?
pagod na pagod na ako sayo makipag gaguhan

itigil na natin to tang-ina,
minahal mo rin naman ako di ba
wag mo na ipamukhang mali ako
porke’t ngayon na binibitawan na kita
pakiusap iwasan mo na ako malabo na tayo
abuso ka na, nasaaktan na ako
wag ka nang humabol, bitawan mo na ko
malaya ka na, wala nang tayo

Chorus:
mula ngayon malaya ka na
magagawa mo na ang lahat gusto mo
kahit masaktan man ang puso ko
tama na, huwag na ako habulin pa
dahil pagod na pagod na akong masaktan sa iyo
tapusin na natin to, malaya ka na

lagi mo ng sinasaktan ang puso ko
lagi kang lumalayo sa piling ko
lagi mong pinapadama na iba ka na
iba na ba ang nasa puso mo
di ko na mawari, ngunit di mo naman nasabi
kung ano ba talaga ang dahilan
tumutulong luha ay hindi na mapawi

pilit ibinabalik ating nakaraan
ngunit tila ba sa iba na nakalaan
ang pag-iibigan na walang hanggan
dali-daling umalis hindi ka man lang nagpaalam
mga ala-ala mo ay binabalikbalikan
nais kitang mayakap at muling mahalikan
ngunit nasan ka na ba? wala na ba kong halaga?
kinalimutan mo na ang sumpaan
kahit mahal pa rin kita’t hinihintay ka bumalik
dahil pagkawala mo ay sadyang napakasakit
pinipilit ka kalimutan, bakit di ka malimutan?
hindi na makangiti at puro kalungkutan na lamang ang naiwan
bakit tila binitawan ang pangakong magsasama sa iyakan at tawanan
bigla mong iniwanan

nasan ka na ba?
akoy lumuluha na lang palagi
nalimot mo na ba na minsan ako ay naging bahagi na ng puso mo
at naging kabiyak ngayo’y puro sakit, pighati’t pag-iyak
ang aking nadama bakit ba ganito?
kailangan pa masaktan ang puso ko

Chorus: 2x
mula ngayon malaya ka na
magagawa mo na ang lahat gusto mo
kahit masaktan man ang puso ko
tama na, huwag na ako habulin pa
dahil pagod na pagod na akong masaktan sa iyo
tapusin na natin to, malaya ka na