Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 1.00 stars)
Loading...

Huling Gabing Kayakap Kita – Still One Ft. Dice Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Huling Gabing Kayakap Kita – Still One Ft. Dice

ans sarap makinig sa kasinungalingan
kahit alam mo ang katotohanan na may iba pa bukod sakin
nagpanggap ako na bulag sa aking nalalaman
kunwari ako’y masaya sa mga oras na ika’y malambing
kunwari wala akong alam sa tunay na rason
kung bakit ka nagmamadaling umuwi sa tuwing tayo ay magkasama
mga pagluha ng mata’y sinikreto ko to
minsan ka na nga lang makita, madalas mo pang hawak-hawaka ang telepono mo
mga init ng ulo mong di ko alam kung san ba talaga nagsimula
gayung alam ko naman sa aking sarili na wala ako sa iyong ginawa
kapag galit ka alam ko na meron kayong hindi napag-kakasunduan
kapag ika’y di nya nirereplayan ako ang iyong pinagbubuntungan
lahat ng sakit tiniis ko sayo,
hanggat kayo ko to hindi ko ito isusuko
pagkat alam kong pag inamin ko to sa hiwalayan na patungo

Chorus:
paalam na, huling gabing kayakap ka
di alam kung kakayanin ko
iwan ang isang tulad mo
napakasakit sa akin nun
mahal kita, ngunit paalam na
sobrang ma mimiss kita sinta

tila lahat ng mga kaganapan ay pilit kong hinahanapan ng kadahilanan
at kahit alam ko’y nagbulag bulagan sa katotohanan di ko matitigan
na akin ka lang at di mo niloloko at wala ka sa aking sinisikreto
ang dating oras mo sa akin ay tila ako na ang umiistorbo
pero mas piniling magpakatanga, bawat oras na kapiling kita
habang kayakap ka ay hinahawi na lang ang namumugto sa aking mata
hangat kaya ko pang ngitian ang sakit, kahit lumuluha ay pipikitan
ang katotohanan pangako sa puso ko ay di ka pa rin mapapalitan
di ako magbabago kahit na ang puso ko’t isip ay dahan dahang tinatalo
bawat pagngiti ko sa iyong harapan, ang sakit ay pilit ko nalang tinatago
mahal kita at yan ang dahilan kung bakit ang lahat ng ito’y nakakyanan
kahit dulo na lang ng daliri mo ang mahawakan ay di bibitawan

Chorus:
paalam na, huling gabing kayakap ka
di alam kung kakayanin ko
iwan ang isang tulad mo
napakasakit sa akin nun
mahal kita, ngunit paalam na
sobrang ma mimiss kita sinta

matagal ko pinaghandaan ang gabi na ito
ipaparamdam ko na lahat sa iyo
kung gano kita kamahal bago man lang ako sa iyo tuluyang lumayo
ipagluluto ka ng paorito mo, bibilin lahat ng mga gusto mo
hanggang sa huling sandali bibigay ko lahat ng mga luho mo
kahit alam ko sa aking sarili na ako ay niloloko mo na
huling gabi na, di na to mauulit kaya lahat ay itotodo ko na
yayakapin kita ng mahigpit, hahalikan , lalambingin
sasabihing sobrang mahal kita, habang sayoong mata’y nakatingin
di ko bibitawan ang iyong kamay, dadamahin ko ang bawat segundo
susulitin ko na to, dahil pagtapos nito mundo ko ay guguho
salamat sayo, salamat sa pag punta mo sa ating huling gabi
tanggap ko na bukas pagmulat ng aking mata ay iba na ang iyong katabi

alam ko na darating tayo sa ganitong punto, sasabog na sa bigat ang aking puso
na di ko na mapipigilan ang galit at di ko na mapipigilan tumulo ang luha
gusto ko sayong tanungin bakit mo ko ginaganito
di ba kahit ilang ulit ka na nagloko pag-ibig ang binalik ko
ni minsan di mo ko nakitaan nagbago, kahit harap-harapan mo na gina-gago
binigyan ka ng pagkakataon na isalba, pero tuluyan mong pinalabo
tang-ina di ko alam kung pano ako muling makakabangon
sobrang mahal kita hindi ko kaya na basta-basta ka na lamang itapon
mahal kita pero ito tlaga ang tinakda na mangyari
kung sakaling ikaw ay makonsensya, wag na sakin sa kanya ka bumawi
wag mo na uulitin ang iyong ginawa, hindi na ako sa iyo ay babalik pa
magpakatino ka na sa kanya, paalam pinapatawad na kita

Chorus:
paalam na, huling gabing kayakap ka
di alam kung kakayanin ko
iwan ang isang tulad mo
napakasakit sa akin nun
mahal kita, ngunit paalam na
sobrang ma mimiss kita sinta

Videokeman Search