Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (12 votes, average: 4.25 stars)
Loading...

Hanggang Dito Nalang – Still One,Djyael,Mahkhuletz Ft.moody One Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Hanggang Dito Nalang – Still One,Djyael,Mahkhuletz Ft.moody One

bakit ba tila di na masaya ang pagsasama
natin di na tulad ng dati manga
pangako natin ay unti-unting nabali
di na tayo mag kakasundo lagi nalang ba
tayong dalawa’y ng tatalo
di mo ba pina pahalagahan ang lahat ng pinag samahan natin
sa kabila mga sabi’t at bisyo ko ay nagagawa mo pa akong saktan
kulang paba ang lahat sa’yo
bakit ba tayo ng kakaganito
siguro nga ay dapat na natin itong itigil
ang puso ko ay hirap na at di narin mapipigil
tama na wag nanating pahirapan pa
ako nalang ang unang bibitiw

di na kaya pang ibalik ang dati natin na pag mamahalan
hanggang dito nalang hanggang dito nalang
hanggang dito na lamang tayo
kaya’t tama na
wag na nating pahirapan pa
masasaktan lang kung ipag papatuloy pa natin to
hanggang dito nalang

masakit man sakin ang lahat
kailangan nating tanggapin sa pagkat
hindi na tulad ng dati lahat ay nabaliwala lang din
hindi naman ako ng kulang diba lahat binigay ko na sayo
siguro ito ang tadhana sa umpisa lang magiging masaya tayo
tapos bandang hule mawawala lang din ang lahat ng yon
nag iba na ang ihip ng hangin maging ang takbo ng panahon sa ating dalawa
ay may humaladlang na pano pa natin masasabi na tayo ay magiging masaya

kahit anong masasakit na salita puro nalang tamang hinala
wala na tayong araw na di ng away sa tuwing tayong dalawa ay mag kikita
masasabi pa ba nating pag-ibig ang nagyayari sa ating dalawa
kung mismong ikaw at ako’y di na magkaintindihan talaga
mahal paman kita ngunit wala na tong patutunguhan
pinag laban panga kita
pero ikaw na mismong ang may dahilan
di ko na kayang mag tiis pa
di na sa piling mo ay masaya
wala na tayong dapat pag usapan pa

di na kaya pang ibalik ang dati natin na pag mamahalan
hanggang dito nalang hanggang dito nalang
hanggang dito na lamang tayo
kaya’t tama na
wag na nating pahirapan pa
masasaktan lang kung ipag papatuloy pa natin to
hanggang dito nalang

pagod na ako sa dami ng manga away natin
paulit ulit lang manga murahan at sakitan natin
na syang pumunit ng respeto sa isat-isa
wala ng natira kaya’t di ko na maramdaman
ngayon na akin ka lagi kana gumagawa ng pagtatalo
sa tingin mo pa? magpakakatatag paba ako
kung palagi iinitan mo ng ulo
pag kakamali mo pero ako parin ang masama sa dulo
sa akin nakikita hindi kana maligaya
buong puso ko sa ating relasyon itinayana
pero ngayon parang lahat yata balewala na
sapagkat pinapakita mo ika’y wala ng gana

bakit lagi ka nalang bang ganyan
lagi mo nalang akong sinasaktan
kaya paalam na hanggang dito nalang tatanggalin
ko na sa aking puso ang iyong puwang

di na kaya pang ibalik ang dati natin na pag mamahalan
hanggang dito nalang hanggang dito nalang
hanggang dito na lamang tayo
kaya’t tama na
wag na nating pahirapan pa
masasaktan lang kung ipag papatuloy pa natin to
hanggang dito nalang

sa dami ng manga alitan natin
siguro di na maibabalik yong dati
masyado ng pangod ang ating damdamin pagkat paulit ulit nalang ba palagi
batuhan ng masasakit na salita,ulti mo parang di natin kilala ang isat-isa
wala ng respeto,sa ganito tayo narin mismo ang ng dala sa ating relasyon
na biglang ng lamig di naba maibabalik..
tuluyan mo nabang nilimot,mga sumpaan nating dalawa
paano na ako..kung ako’y iyong lilisanin hindi ko kaya
makitang hawak ka ng iba mahal mo paba ako
nasan ang yong pangako..tuluyan nabang natapos ang lahat sa ating dalawa

di na kaya pang ibalik ang dati natin na pag mamahalan
hanggang dito nalang hanggang dito nalang
hanggang dito na lamang tayo
kaya’t tama na
wag na nating pahirapan pa
masasaktan lang kung ipag papatuloy pa natin to
hanggang dito nalang

di na kaya pang ibalik ang dati natin na pagmamahalan
hanggang dito nalang hanggang dito nalang
hanggang dito na lamang tayo
kaya’t tama na
wag na nating pahirapan pa
masasaktan lang kung ipag papatuloy pa natin to
hanggang dito nalang