Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (2 votes, average: 2.50 stars)
Loading...

Dear Pangako – Still One Ft. Moody One Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Dear Pangako – Still One Ft. Moody One

heto na naman ako umaasa na naman sayo
naghihintay ng tawag mo
baka sakaling maalala mo
naghihintay pa rin ako ohhh
inaabangan sa bintana,
hamog ay di alintana
kahit alam ko di ka na babalik
hindi ka na sabik sa akin

Chorus:
dear pangako, bakit ba pinapaasa mo ko?
lagi ka nalang bang mapapako? ohhh pangako
dear pangako, tama na nakakasakit ka na talaga
tigilan mo na ang puso kong sugatan ng dahil sayo
dear pangako

parang sima ng pana sa aking puso nakalagay
na pag aking inalis maari kong ikamatay
labis na naging martir sa mga peke na ngiti
kunwari natutuwa pero ang totoo hindi
sa buka ng iyong labi paulit-ulit lang lagi
sukang-suka nako sayo pero ba’t namamalagi
pa din ako sayong tabi, para akong nakatali
gabi-gabi tayong tabi pero walang nangyayari
pataas-taas ka pa ng iyong kanang kamay
pero ilang araw lamang ganun na ulit ang lagay
ginagawa mo kong bata, umaabuso ka yata
wag mong hintayin hindi nako makapag-isip ng tama
galit ako! wag mo muna kong sabayan
bigla kang tatalikod aalis ka na naman
wag mo naman gawin to wag mo ko dito ilagay
sa ginagawa mo para mo akong pinapatay

Chorus:
dear pangako, bakit ba pinapaasa mo ko?
lagi ka nalang bang mapapako? ohhh pangako
dear pangako, tama na nakakasakit ka na talaga
tigilan mo na ang puso kong sugatan ng dahil sayo
dear pangako

ilang ulit na ba kitang pinakinggan
kahit na puro sakit na lamang ang aking laging natitikman
sa matamis na salita at malambing na pagbigkas
garantisado ang puso sa sakit ay walang ligtas
sa mga sinasabi mong mahal mo ko walang iba
naniniwala pa rin kahit na kilala na kita
kilala na kita pero bakit kapag naririnig kong
gumagana na naman ang mabulaklak mong bibig
hindi mapigil lumambot ang puso kong nagtatampo
ang sarap mong pakinggan natatangal ang tapang ko
para kang kaakit-akit na himig ng isang musika
na lilinlangin ang iyong isip pag nagpahuli ka
laging nakikinig parang hindi nag-iisip
kung minsan pag mataas ka ako ang nagpupumilit
masyado kang mapanakit lagi mo kong binibigo
bakit hindi nadadala kahit ulit-ulitin mo

Chorus:
dear pangako, bakit ba pinapaasa mo ko?
lagi ka nalang bang mapapako? ohhh pangako
dear pangako, tama na nakakasakit ka na talaga
tigilan mo na ang puso kong sugatan ng dahil sayo
dear pangako