Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (6 votes, average: 3.17 stars)
Loading...

Sabay Tayo – Sponge Cola, Karylle ,Frank Magalona Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Sabay Tayo – Sponge Cola, Karylle ,Frank Magalona

Sabay-sabay tayong lalaban
Binubuklod ng ‘sang puso
Wala tayong inuurungan
Tiwala lang, atin ‘to

Wo-oh-oh
Wo-oh-oh
Sabay-sabay, sabay tayo
Wo-oh-oh
Wo-oh-oh
Sabay-sabay, sabay tayo

Chorus:
‘Di lang isa
Kung ‘di lahat
Nakaangkas sa ‘yong likod
Mga pangarap nang lahat
‘Di lang isa
Kung ‘di lahat
Nakaangkas sa ‘yong likod
Mga pangarap nang lahat
‘Di lang isa

Rap:
Baraha ay binabalasa
Kasama ka sa pag-asa
Ito ang ating tanging pinanghahawakan
Ginto sa langit na hindi mailarawan
Ay ating makakamit pag ang dilim ay mailawan
Ligpitin ng tahimik ang mga haharang sa daanan
Nakatikom ang bibig ‘yan ang estilo ng galawan
Magpakita ng galing na hindi kita sa ibabaw
Sisikat rin muli ang tatlong bituwin at araw

Sabay-sabay tayong lalaban
Nagliliyab sa ‘ting puso
Patak ng pawis at pagsubok
Iaalay sa ‘ting laro

Wo-oh-oh
Wo-oh-oh
Sabay-sabay, sabay tayo
Wo-oh-oh
Wo-oh-oh
Sabay-sabay, sabay tayo

Chorus:
‘Di lang isa
Kung ‘di lahat
Nakaangkas sa ‘yong likod
Mga pangarap nang lahat
‘Di lang isa
Kung ‘di lahat
Nakaangkas sa ‘yong likod
Mga pangarap nang lahat
‘Di lang isa

Rap:
Paa sa lupa, mata sa langit
Paalam na sa mga luha
Mangunguna Na ang madasalin
Muling huhupa ang hirap sa pagpatak ng pawis
Sa pagkat walang tamis kung ‘di mag-aambag ng alat
Mag-aklas bumawi ang armas mo’y aklat at lapis
Huwag kang manghula, ang utak ay iyong patalasin
Para maipalago ang isa sa mga pangarap
Ng isinasapusong gilas ng silanganan

Chorus:
‘Di lang isa
Kung ‘di lahat
Nakaangkas sa ‘yong likod
Mga pangarap nang lahat
‘Di lang isa
Kung ‘di lahat
Nakaangkas sa ‘yong likod
Mga pangarap nang lahat
‘Di lang isa

Videokeman Search