Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (9 votes, average: 2.89 stars)
Loading...

Coda – Sponge Cola Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Coda – Sponge Cola

Sayang giliw ito ang sinapit
Akin lamang napag-alaman
Wala ang tindi ng poot at ‘yong galit
Kung wala rin mababalikan

Bakit hindi kita mapigil
At magawang kita’y habulin
Hindi makakibot paa’y kapwa akin
‘Di magalaw

Hanggang tingin na lamang ang akin
Hanggang maglaho sa abot tanaw
Hidwaan natin mananatili
Sa iyo ba’y mayroong katuturan?

‘Di na batid at tatalikdan
Ang hinagap nating sumpaan
Hahantong din pala ang lahat sa kabiguan

[instrumental]

Bakit hindi kita mapigil
At magawang kita’y habulin
Hindi makakibot paa’y kapwa akin
‘Di magalaw

Bakit hindi kita masisi
Pagiging tama o mali anong silbi
Kung tayo rin mawawaglit
Anong saysay

Kung tayo rin mawawaglit
Anong saysay