Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (18 votes, average: 4.50 stars)
Loading...

Ikaw Nga – South Border Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Ikaw Nga – South Border

[I.]
Heto na naman
Nag-iisip, minsa’y nagtataka
Na sa ‘kin na ang lahat
Bakit nangungulila

[II.]
At nang makita ka
Ibang sigla ang nadarama
Pag-ibig nga ba ito
Ako’y nangangamba

[Refrain I:]

Nais kong ipagtapat sa’yo
Sana’y dinggin mo
Ang lihim ng pusong ito
Kahit na tayo’y magkaibang mundo

[Chorus:]

Ikaw nga ang syang hanap-hanap
Kay tagal na ako ay nangarap
Lumuluhod, nakikiusap
Ako ay mahalin mo sinta

Ikaw nga ang syang magbabago
Sa akin, sa aking buhay
Handang iwanan ang lahat
(upang makapiling ka / para lang sa’yo) sinta

[III.]
Nang makilala ka
Ibang saya ang nadarama
Alam kong pag-ibig ito,
Anong ligaya

[Refrain II:]

Nais kong ipatapat sa ‘yo
Sana’y pagbigyan
Dinggin ang puso kong ito
Kahit na tayo’y magkaibang mundo

.. upang makapiling ka sinta ..