Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (22 votes, average: 4.32 stars)
Loading...

Ikaw Nga Mulawin OST – Southborder Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Ikaw Nga Mulawin OST – Southborder

Ikaw Nga Mulawin OST – Southborder

Heto na naman, nag-iisip minsa’y nagtataka,
Nasa ‘kin na’ng lahat bakit nangungulila…oh…
At nang makita ka, ibang sigla aking nadarama,
Pag-ibig nga ba ito, ako’y nangangamba…oh…

Nais kong ipagtapat sa ‘yo,
Sana’y dinggin mo ang lihim na pusong ito,
Kahit na tayo’y magkaibang mundo.

Ikaw nga, ang siyang hanap-hanap,
Kay tagal na ako’y nangarap,
Lumuluhod, nakikiusap,
Ako ay mahalin, mo sinta,
Ikaw nga ang siyang magbabago,
Sa akin, sa aking buhay,
Handang iwanan ang lahat,
Upang makapiling ka, sinta…oh…

Nang makilala ka,
Ibang saya aking nadarama,
Alam kong pag-ibig ito,
Anong ligaya…oh…

Nais kong ipagtapat sa ‘yo,
Sana’y pagbigyan, dinggin ang puso kong ito,
Kahit na tayo’y magkaibang mundo.

Ikaw nga, ang siyang hanap-hanap,
Kaytagal na ako’y nangarap,
Lumuluhod,nakikiusap,
Ako ay mahalin, mo sinta,
Ikaw nga ang siyang magbabago,
Sa akin, sa aking buhay,
Handang iwanan ang lahat,
Para lang sa’yo, sinta,
Upang makapiling ka, sinta.

Videokeman Search