Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (10,235 votes, average: 4.69 stars)
Loading...

Nakakamiss – Curse One, Dello and Flict G – Smugglaz Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Nakakamiss – Curse One, Dello and Flict G – Smugglaz

Na na nana Na na na na Na na na na na na ..2x

Madaming nangyari taon ang binilang ka jaming kong pare
napapangiti lang ngayon naalala maulit yun sana
Nakaka miss lang kase
Hindi ko mapigil ang mga ngiti ko pag naaalala mga bagay na to
kay sarap balikan tamis na nagdaan
Nakaka miss lang kase

Sa tagal ng panahon
Kamusta ka naba, Kamusta naba sya
Ano ba ang lagay ng ibang tropa ngayon
Inuman kulitan harutan asaran
Nakaka miss lang kase

Smugglaz & Curse One
Kamusta ka naba Smugg , ok lang naman Curse
Kamusta ka naba Curse , ok lang naman Smugg
Salamat at nakagawa nanaman tayo ng isa nanaman kanta na dilang makapagbagbag
Damdamin kundi pag babahagi din ng bawat pangyayari sa mga buhay natin nadagdag
Kahit na hindi na tayo tulad pa ng dati na laman ng kalye dahil mga oras natin maluwag

Oo nga eh, Sa na kung pwede lang tayo,
lahat ay bumalik sa ating nakaraan
Makikita mo ang merong nawala na sa ngayon
Mga bagay bagay nun na di na pwedeng balikan

Nakulayang ganda, ang sarap pag masdan
Nakulayang ganda, ang mga nagdaan

Sa likod ng nilakaran ko, nadala ng kapalaran ko
Bakas sa mga araw, sa aking mga karanasan ngayon natutunan ko
Ang tama at mali teka sandali kamusta na kaya yung iba
Yung iba sikat na, yung iba angat na, yung iba may mga anak na
Sana naman tayo’y di magkalimutan

Ano man ang mangyari kapatid o pare
ilang ulit man na madapa tuloy lang
Sa mga pangarap natin,
kahit ano pa mangyari ay wag kayong bumitaw
Dahil pangarap natin bukas

Chorus
Sa tagal ng panahon
Kamusta ka naba, Kamusta naba sya
Ano ba ang lagay ng ibang tropa ngayon
May kanya kanyang buhay na, sana palagi kayong masaya
Nasaan man o ano man ang ginagawa niyo
Sana’y laging maalala niyo noon kung ano tayo
Minsan naman ,minsan naman
Inuman kulitan harutan asaran
Nakaka miss lang kase

Dello & Flict – G
Kamusta kanaman Dells ok kanaman ba,
Ok naman Flict laging click mga rampa
Daming nag papic mga chick na maganda,
Bigla ko lang namiss makulit na alaala

Samahan ng mga tropa sa may puno ng makopa,
Uso non ang taguan wala pang games mga dota
Tagayan sabay ang hagikgik mga tawa,
Kaya parang ba ngayong ay nasabik makasama

Kasi naalala ko ang katambayan sa looban,
Kasabwat sa lahat ng pagawa ng kalokohan
Pero merong damayan sa problemang kaharap ,
Masarap may kadamay gumaan ang kalooban
Naranasan ko noon teka nasan naba yon,
Panahon tayo non tila ba nasa balon
Na punong puno ng alak hawak natin ang timba,
Nangingiti ako kasi namiss ko yun bigla

Eh ikaw naman Flict

Uy dello ,
Para bang malalim iniisip mo
Ha oo nga
Di ko lang talaga mapigilan na isipin ang mga bagay nato
Ang alin,
Yung sana maulit natin ang mga panahon na dati
Wala pang kamalay malay sa mga
Bagay bagay na nagdudulot ng kalungkutan sa isa’t isa

Walang hanggan pag ibig tanging laro ang hilig,
Mga kabataan na naglalakbay sa hardin na puno ng himig
Nangangarap na lahat ng bituin ay mahawakan ng aking mga kamay ,
At ang mga kabiguan agad kalimutan sa agos ng buhay ay ipatangay

Repeat Chorus

Madaming ng yari taon ang binilang Kajaming kong pare napapangiti lang
Ngayon naalala maulit yun sana
Nakaka miss lang kase
Kahit ano pa mangyari wag kayong bumitaw
Hanggat hindi niyo pa abot lahat ng tala sa taas dahil dahil
Nakaka miss lang kase
Hindi ko mapigil ang mga ngiti ko pag naalala mga bagay nato
kaysarap balikan tamis na nagdaan
Nakaka miss lang kase
Sige lang tuloy tuloy tuloy lang
Sana’y palaging kasama kundi kayo
Nakakamiss lang kase

Submitted by: Lwl <3

Videokeman Search