Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (3 votes, average: 3.67 stars)
Loading...

Magandang Umaga – Smugglaz Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Magandang Umaga – Smugglaz

Intro:

Magandang umaga po, magandang umaga
Magandang umaga sa’yo, sakin, sa kanya,
Sa kanila, sa inyo at kahit kanino man..

Halika bangon na
Mula sa pag-kakahimbing sa kahapon
Gumising sa kasalukuyan at dalhin ang pabaon
Na aral sa mga bangungot, iwanan ang mga sakit
Simula na managinip ng hindi nakapikit
Tara sa unang pagdilat ng ating mga mata
Ay magdasal ka agad sa may kapal
Mag-pasalamat sa’yong pagkahimbing
Nagising kapa’ i-almusal ang kanyang pag-mamahal
Humingi ng tawad sa mga kasalanan na banayad
Humiling ng patnubay na sakin ay gagabay
Sa mag-hapong dahil ano mang kailangan kanyang ibibigay
Kung Diyos ay sa centro ng buhay mo nakalagay
Parang kapeng mainit lamang
Dahan-dahanin mga galawa’t desisyon
Habang alalahanin mong hindi ka
Nabubuhay para sa sarili lamang
Bawat isa’y may pananagutan sa kapwang naka atang
Yan ang dapat tandaan bago lumabas ng bahay
Studyante, may trabaho, o kahit na mga tambay
Tulad ko, tulad niyo na sabik nag-hintay
din ako sa aliwalas ng bukang liwayway.

CHORUS #1:

Gising na umaga na
Umapisa na ng panibagong simula
Wag mong hayaan na di ka makabangon
At manatili na lamang sa kahapon.

Buksan mo na ang pintuan
Papasukin ang grasya
Ang isang araw isipin pano mapag-kakasya
Sa lahat ng gusto mong gawin
Alin man sa mga pangarap mo ngayon
Ang gusto mong tuparin
Ipunin lamang ang mga inspirasyon
Bilang pang-gatong sa apoy
Ng mga pag-asa mong liwanag
Saan mang dakong maligaw
Ay wala kang dapat ikatakot
Salubungin ng ngiti
Mga sitwayong naka simangot
Maging palabate palagi kahit kanino
Nang Magandang Umaga
Parang tatak lang bimpo, mismo!
Sulitin mo na ang oras
Magmahal, magpatawad, mangaRap
Na parang walang bukas sa pagkat
Ang hinaharap ngayon ginagawa
Wala nag-kanila ng di tsina-tiyaga
Kaya maging mabuti dahil
Ang posotibong isip ay bintana
Ng mga biyayang di mo na sisilip, kaya!

CHORUS #2:

Gising na, umaga na
Umapisa na ng panibagong simula
Wag mong hayaan na di ka makabangon
At manatili na lamang sa kahapon.

Gising na, umaga na
Umpisa na ng panibagong simula
Kung san pwede maging
Masaya ang malungkot
At matuwid ang mga naging baluktot.

Sa muling pag-putok ng araw
Ay sumabog ang liwanag
Ang nakakabinging katahimikan
Ang dilim, binasag ng sigaw
Mula sa pag-asa ng mga taong
Na sinimulan sa sarili
Ang hangad na pag-babago
Nanatiling malakas, matatag, masaya
Sa kabila ng mga bigat nila na dala
Ako’y may marami ng enerhiya
Oras na rin sinayang
Ngunit imbes manghinayang
Lalong nagpahalaga! Tulad niyo rin!
Kaya manalangin ng may pananalig
Pati pato mang matalo
Ay muli ka parin kakamig
Balang araw pag-dating nang panahon
Pag-isipan mo lamang ang lahat
Sa labas ng Kahon
Dahil nasan ka man ngayon
Nanggaling kami dyan
Kaya wag ka lang mawawalan ng dahilan
Para umasa at muling umasa
Ano mang pangit ng ‘yong gabi
Bukas may Magandang Umaga Parin!

CHORUS #3:

Gising na, umaga na
Umapisa na ng panibagong simula
Wag mong hayaan na di ka makabangon
At manatili na lamang sa kahapon.

Gising na, umaga na
Umpisa na ng panibagong simula
Kung san pwede maging
Masaya ang malungkot
At matuwid ang mga naging baluktot.

Magandang umaga po, magandang umaga
Magandang umaga sa’yo, sakin, sa kanya,
Sa kanila, sa inyo at kahit kanino man..

Magandang umaga po, magandang umaga
Magandang umaga sa’yo, sakin, sa kanya,
Sa kanila, sa inyo at kahit kanino man