Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (39 votes, average: 4.41 stars)
Loading...

Ikapito Sa Walong Sumpa – Smugglaz Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Ikapito Sa Walong Sumpa – Smugglaz

Bawat berso ko’y binuhay ng mga taktika
Sa magkabilang pisngi mo ay lalagapak, di ka
Makakaabot sa akin pagkat hindi maaari
Patag mong sinasayaran saking tindi mahahati
Gagapang ang istilong pamatay ko na dala
Na magsasabi sayong iyong banat ay kulang pala
Para maibangon ang pangalang aking tinabunan
Di mo tanggap na ako lamang ang tanging tinapunan
Ng talino at kagalingan na di kayang matawaran
Lalo na ng mga tulad niyong ligayang magtawanan
Dinamay ang bitawang makabago’t mas angat
Nang sa ganun kahit sa dilim ay makapa ko’t masalat
Ang dapat baybayin na dako patungo sa aking nais
Sa sinumang tititig patango sakaling mais-
Sakatuparan ang mga nakatakdang magbago
Tagapagwasak ng harapan ang sumpang ikapito

Ikapito sa walong sumpa sakdal sa hindi
Matatawaran ang karunungan at di magagapi
Smugglaz ang pangalan niya

Inatang ko ang katapangan mula sa mga ninuno ng angkan
Ng mga sundalong naglaganap ng tugtuging pandigmaan
Na kinakikiligan na pinangingilagan ng ilan
Na bumubuo ng mga bahagi ng mga kongkretong pangalan
Na sumisilo sa dilim humahablot ng mga pansin
Saklaw ang interes ng pandama pandinig at mga paningin
Pinagbibigkis ang mga istilo sa awiting di payak
Walang tiyak na makakaligtas pagtungtong napasadlak
Ka sa pagitan ng kapahamakan peligro at panganib
Mula sa pagluwal ng mga obrang sisibasib
Sa mga di nakapaghanda sa malawig na pagsabog
Ng ngala’y mula noo’y ginagraduhan ng matayog
Tinangan ang mga bersong tutungkaban naman ng tibay
Mga malagim nakatindig habang nakataas ang kilay
Kaya itinalaga ko sa antas na pinakamatarik ang bagsak
Ang bubungkal ng kaduwagan sa pamamaraang haling

Ikapito sa walong sumpa sakdal sa hindi
Matatawaran ang karunungan at di magagapi
Smugglaz ang pangalan niya

Tiyak na merong bubulagta pag nasimulan naming na bumulaga
Malamang na muli ka nanamang mapatulala kapag ginawa ko nanaman ang mga dati ko na ding ginawa
Mapapasama ang kalagayan mo kala mo siguro na kaya mo
Makalamang sa mga makatang ganyan talagang demonyo sa mikropono
Gagalugarin bawat sekta at gagambala sa mga damdamin
Ng mga saksing bulaan na di pa alam nagawang mapaamin
Na sila’y napanginig napahanga’t lubusan na bumilib
Sa mensaherong walang kahinaan at tanging tanan ay panganib

Handa kong ipasagot ang mga niluto niyang kukumpuni sa mga mukha na makapal
Alam mo na di ganyan kadali na tunay niyang mapataob at tunay niya kaming mabuwal
Ipapatamasa ang pagiging mabangis ang pagiging mabilis na dali daling lumabas kumatas sa lakas sa tigas nilagay sa taas hanggang sa pagwawakas

Ikapito sa walong sumpa sakdal sa hindi
Matatawaran ang karunungan at di magagapi
Mataimtim pa sa pagmamasid ng mga makinarya ng piitan
Ang punterya mo na makadukot ng kaluluwa na pilit sakin na kumakalaban, laban

Ikapito sa walong sumpa sakdal sa hindi
Matatawaran ang karunungan at di magagapi
Smugglaz ang pangalan niya
Ikapito sa walong sumpa sakdal sa hindi
Matatawaran ang karunungan at di magagapi
Smugglaz ang pangalan niya

Videokeman Search