Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (7 votes, average: 3.86 stars)
Loading...

Alay Lakad – Smugglaz Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Alay Lakad – Smugglaz

Lahat ng mga ‘to ay alay ko sa mga nagbigay
ng pagkakataon upang kahit pano’y mabuo
Ang aking panaginip sa tagal kong nag hintay
Lumipad patingala, naglakad ng payuko
Tagumpay na wala sa narating, nasa pinagmulan
Dahil sa mga tulad nyong laging nasaking likuran
Kasama ko noon at nakasama ko ngayon
Na nagtanim hanggang magbunga, pag hinog ng panahon.

Verse I:

Lahat ng mga ‘to ay aking inaalay sa lahat
ng mga taong tumulong sa akin upang mabuo
bawat detalye sa kasaysayan ng aking alamat.
Naging pataba nung ako’y binhi pa lang na patubo
hindi man naging madali, pilit kong sinubukan
kahit napakaraming mali hindi ko sinukuan
maging maayos sa labas ng aming tahanan na wasak
Bilang pangkaraniwang kuya at panganay na anak,
Ito’y para sa kanila. Kay mama, kay papa at mga kapatid
kong naron at naririto.
Lagas man o sagana, patuloy na umasa
Hiwa-hiwalay man tayo’y binuo ko ang sarili ko.
At saking lola na nag-tyaga upang mapaayos
ang aking kinabukasan
Kahit di man nakatapos ng aking pag-aaral ay natuto din ako
Yung apo mong pinalaki ng maipagmalaki mo.
Pati ng mga di naging madamot saking kaibigan
Nung wala ako’t nandyan sila upang malapitan.
Mga taga suporta na nag-aabang ng bago,
na saludo lang palagi sa mga nagagawa ko
Mga taong nagtiwala at di hinusgahan
ang pwede ko pang marating sa dami ng pinuntahan
Sapagkat kilala nyo talaga kung sino ako,
Di ko man maisa-isa alam nyo kung sino kayo. Salamat!

Chrorus I:

Kulang pa lahat ng to, para mabatid ang pasasalamat ko
Ngunit ganun pa man sana’y inyong tanggapin, kahit pano! Kahit pano!

Verse II:

Lahat ng mga ‘to ay aking inaalay sa mga
Mga taong nun pa ma’y tumanggap sakin ng buo
Yung mga araw na wala pang kasikatan na dala
Nagdilig ngpagkalinga nung panahon ng tag-tuyo
Lalo na sa aking asawa na kasama kong nangarap
Anumang makasalubong hinarap naming magkayakap
Sumuporta ng higit sa paghanga sapagkat
Subok na tayo kahit “Ikaw Ako” laban sa lahat
At saking anak na lalong nagpalinaw ng daan
sa buhay at tungkuling mas dapat kong gampanan
na nagbibigay rason kung bat ako humihinga,
dahil sayo lahat sakin ay di pwe-pwedeng huli na.
Alay ko sa inyo ‘nak ang lahat ng mga to
pagdamutan nyo na kung anumang aking mabigay,
Anuman ang mangyari sa paglalakbay na to,
sabihin mo sa mommy mo mahal kayo ni Daddy Bry.
Lalong lalo sa taas, bilang pasasalamat sa talino at lakas
upang maging karapat-dapat.
Kung wala ka Diyos Ama, ang lahat ng mga,
Pasanin ko’t dala. Di ko kinaya mag-isa.
Makasalanan man ako’y pinagpala mo pa rin,
ang aking mga musika maging biyaya sa iba
Maging inspirasyon, ayon sa kaloobang na sayo
bilang isa sa mga espesyal na ObraMaestra mo.
Sa Lupa!

Chorus II:

Kulang pa lahat ng ‘to, para ihinto ko ang mga lakad ko
Anuman dumating handa ko ng harapin,
kahit pano! Kahit pano!

Verse III:

Lahat ng mga ‘to ay alay ko sa akin pabalik,
kahit anuman mabigay ko ay handa kong tanggapin.
Dahil sa tagal kong nainip at nanabik,
parang gusto kong apiran sarili ko sa salamin.
Habang sinasabi kong para sakin karangalan,
maging isang Smugglaz ang dati na si Bryan.
Panindigan mo na, naiintindihan kita
Sindihan mo na, baka masindihan pa ng iba.

Coda:

Panindigan mo na, naiintindihan kita
Sindihan mo na, baka masindihan pa ng iba.
Panindigan mo na, naiintindihan kita
Sindihan mo na, baka masindihan pa ng iba.
Kahit pano! Diba?
Kahit pano! Diba?
Kahit pano! Diba?
Kahit Pano!

Chrorus I & II

Kulang pa lahat ng to, para mabatid ang pasasalamat ko
Ngunit ganun pa man sana’y inyong tanggapin, kahit pano! Kahit pano!

Kulang pa lahat ng ‘to, para ihinto ko ang mga lakad ko
Anuman dumating handa ko ng harapin,
kahit pano! Kahit pano!