Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (16 votes, average: 4.19 stars)
Loading...

Ngayong Wala Kana – Slime Mhyre, Loraine Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Ngayong Wala Kana – Slime Mhyre, Loraine

ohh…ohh
ang mga oras baliktanawin nating lingunin
kung saan malaya pa kitang
nagagawang sundin
walang sawang magkasama
sa hirap na dumaan
di natinag ng pagsubok
kahit na ano pa man
ang dumagok sa relasyon
natin ay di pumapayag
na masira maglayo kampante tayo at panatag
dahil sa pangako nating
tayo lamang dalawa
ang magsasama hanggang dulo
sa hirap man o ginhawa
tanda mo pa yung araw
na sinabi ko sayo
ikaw yung tipo ng babae
na papakasalan ko
at magiging ina ng mga
magiging anak ko
kung ano meron ako
malayang mapapasayo
ngunit ang lahat nagbago
dahil sa isang iglap
sumuko ka kaagad at
yun ang di ko matanggap
inasam kong makamit
lahat ng di inayon satin
tadhana’y nagdamot sukli
inilayo ka sakin

bakit bigla ka na lang
lumayo(ohhhhhh)
sinabing walang iwanan
ngunit ikaw ang unang lumisan
pinangako mo na tayo
na hanggang huli
bakit nung kinausap ka
hindi mapakali
saan pa ba ngakulang
sabihin mo
ako’y nakikiusap nasasaktan ako…

pano pa ako mabubuhay ng wala sa tabi mo
kung iba na ang kasama mo
at hindi na ako
pag nakikita ko kayo
sakit pinipigil ko
kung di lang kasalanang
pumatay pangigigilan ko
sya ngunit ayoko dahil
magagalit ka
alam kong lamang sya sakin
kaya nga naakit ka

kasalanan ko lahat
alam kong merong dahilan
kung bakit dito nagtapos
pangarap na sinimulan
natin ng hawak kamay
sabay sa hangin naglakbay
naglaho parang bula
kasi hindi ka nag antay
nagpatangay ka sa pangarap
mong agad maibigay
tinakasan mo ako sa
alanganin nilagay
di ko man maibalik
ang panahon na tayo pa
hinihiling ko na lang
sana sakanya ka sumaya
kahit ang bigat sa isip
ito’ypipilitin ko
na magparaya sa inyo
ikaw ay lilimutin ko

bakit bigla ka na lang
lumayo(ohhhhhh)
sinabing walang iwanan
ngunit ikaw ang unang lumisan
pinangako mo na tayo
na hanggang huli
bakit nung kinausap ka
hindi mapakali
saan pa ba ngakulang
sabihin mo
ako’y nakikiusap nasasaktan ako…

di ko naisip na ikaw
ay lalayo sa akin
iiwanang mag isa hindi yan
ang ipinangako mo sakin
akala ko pang habang buhay na
(pang habang buhay na)
panandalian lang pala
(ahhhhhhhhhhhh)
dahil nakakabaliw ang saya
natin nung umpisa…
ngunit nagyon ay
nalulunod sa luha
hindi naman pwedeng maging
kasalukuyan ang kahapon
pinupulot ko pa ang
ala-ala mong tinapon
nasisilaw sa dilim
nabibingi sa katahimikan
(ngayong wala kana)
ahhhhhhhhh

nagyong wala kana
ramdam kong di na rin kumpleto
buhay ko sabay sa agos
paliko hindi diretso
sinasanay ang sarili
na wala ka saking bisig
nakaupo sa sulok
sa animo’y nakatitig
ngayong wala kana ramdam kong di na rin kumpleto
buhay ko sabay sa agos
paliko hindi diretso
sinasanay ang sarili
na wala ka saking bisig
nakaupo sa sulok
sa animo’y nakatitig

bakit bigla ka na lang
lumayo(ohhhhhh)
sinabing walang iwanan
ngunit ikaw ang unang lumisan
pinangako mo na tayo
na hanggang huli
bakit nung kinausap ka
hindi mapakali
saan pa ba ngakulang
sabihin mo
ako’y nakikiusap nasasaktan ako…
2x