Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 1.00 stars)
Loading...

Tiwala – Slick One, Kej’s, Curse One &a Lux Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Tiwala – Slick One, Kej’s, Curse One &a Lux

Chorus: Kej’s
Alam kong nagkamali ako,
nagkamali ako, nagkamali ako sayo
hindi ko naman sinasadya sana’y mapatawad mo
at sana’y bigyan mo pa nang pagkakataon na makabawi ako sayo
at muling maibalik ang Tiwala mo, yeahhh, ang Tiwala mo,
muling maibalik ang Tiwala mo…

1st Verse: Slick One
Hindi ko na mababawi mga sandali
at panahon na sa iyo’y nagkamali
at ang pasakit, puso ko ay dinudurog na unti-unti
sa pagnanais ko lang na magkabati.
At hindi ka na muling pang sasaktan
handang ibalik sayo lahat ng oras na hindi mo hiningi sakin
at kusang binibigay ko ang lahat,
lahat naman ng mga bagay na hiniling
ko sa iyo ay agad-agad tinutupad mo,
sadyang magulo lang ang isipan ko ng mga panahong yon.
Mga pangako sa isa’t-isa mula nung makita kita
hindi pa rin nagbabago, mukhang tanga kong iniisip ka
kung magbabalik pa ba ko ay muli mong bubuksan ang pinto
mga panahon na oras satin ay ginto,
ikaw lamang ang nagpapasaya sa aking mundo.
Ngunit wala na ang iyong Tiwala
yeahhh, saan na napadpad ang Tiwala mo mahal…

Chorus: Kej’s
Alam kong nagkamali ako,
nagkamali ako, nagkamali ako sayo
hindi ko naman sinasadya sana’y mapatawad mo
at sana’y bigyan mo pa nang pagkakataon na makabawi ako sayo
at muling maibalik ang Tiwala mo, yeahhh, ang Tiwala mo,
muling maibalik ang Tiwala mo…

2nd Verse: Kej’s & Curse One
Sana’y patawarin mo na ang katulad ko, oohhhh,
pinagsisisihan ko lahat ng mga kasalanan ko sayo.
Sabihin mo sakin ano ba ang kailangan kong gawin
para lang malaman mo, lahat ng ito ay totoo
ang nais ko lang ay muling maibalik
ang Tiwala mo mahal, (ibalik, ibalik)
ang Tiwala mo mahal, (ibalik, ibalik)
ang Tiwala mo mahal, (ibalik, ibalik)
ang Tiwala mo mahal, oohhhh… (ibalik, oohhhh)

Chorus: Kej’s
Alam kong nagkamali ako,
nagkamali ako, nagkamali ako sayo
hindi ko naman sinasadya sana’y mapatawad mo
at sana’y bigyan mo pa nang pagkakataon na makabawi ako sayo
at muling maibalik ang Tiwala mo, yeahhh, ang Tiwala mo,
muling maibalik ang Tiwala mo…

3rd Verse: Lux
Sana’y mapatawad mo, sana’y mapatawad mo
ako sa mga kasalanan ko
hindi ko akala na masasaktan ko ang tulad mo.
Ang puso mo ay nasugutan ng grabe o grabe
at ang dami, ang dami mong nabalitaan sa akin
hindi mo man aminin ang saloobin ko ngayon,
darating panahon malalaman mo
kung bakit ang puso ko sa iba na nga lumingon.
Dahil sa naging panatag ang sarili ko,
alam kong hindi mo kayang iwanan ang katulad ko,
tinitiis ang bawat sandaling parang
dinadaan-daanan lang kita ang utak mo’y gulong-gulo.
Halos hindi ko na mabilang ang mga kasalanang patuloy kong ginagawa,
hindi mo inaasahan na dito na pala matatapos ang relasyon nating dalawa
na kaytagal nating iningatan.
Patawarin mo sana ako, alam kong mali ito pero pinipilit ko,
sana paggising ko bukas ng umaga
ay nandyan ka na saking tabi, ikaw pa rin at wala pa ring pinagbago…
Ooohhhh, at ang lahat ay nasa ayos na, salamat sa Tiwala mo…

Chorus: Kej’s
Alam kong nagkamali ako,
nagkamali ako, nagkamali ako sayo
hindi ko naman sinasadya sana’y mapatawad mo
at sana’y bigyan mo pa nang pagkakataon na makabawi ako sayo
at muling maibalik ang Tiwala mo, yeahhh, ang Tiwala mo,
muling maibalik ang Tiwala mo…