Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (9 votes, average: 3.78 stars)
Loading...

Pakiusap Lang – K.I & Silent E Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Pakiusap Lang – K.I & Silent E

Chorus: Silent E
Sana naman ay ako nalang ang piliin
pakiusap ko sanay ako nalang ang mahalin
dahil ayokong nakikitang nasasaktan ang damdamin mo
sa isang taong di marunong magpahalaga
hinahayaang pumatak ang luha sa mata
nandito lamang ako’t umaasa
patuloy na magmamahal kahit wala mang pag-asa

1st Verse: K.I
Pakiusap lang pwede bang wag ka ng magpakatanga
sa kanya dahil nga sa pinapasakitan ka lang naman nya
alam kong mahal mo sya pero hindi na nga tama
ang kanyang ginagawa lage ka nalang sa kanya na balewala
bakit di mo subukang imulat ang yong mga mata
sa katotohanan, na pinapaikot ka lamang niya
nandito naman ako mamahalin kita
di katulad nya hindi man lang makita ang iyong halaga
di ka man lang nya mabigyan ng sapat na oras
siguro nga ika’y kanya lamang na palipas oras
gusto ko lang bigyan ng lunas ang sakit na iyong dinanas
mula sa kanya sana naman ikaw na mismo sa kanya ang umiwas
ayoko lang nakikita kitang nasasaktan
masakit mang aminin ako din ay nasasaktan
lalo na kapag ikaw ay umiiyak ang puso ko ay binibiyak
umaasa ka sa pagmamahal nya na walang kasiguraduhan at di tiyak

Chorus: Silent E
Sana naman ay ako nalang ang piliin
pakiusap ko sanay ako nalang ang mahalin
dahil ayokong nakikitang nasasaktan ang damdamin mo
sa isang taong di marunong magpahalaga
hinahayaang pumatak ang luha sa mata
nandito lamang ako’t umaasa
patuloy na magmamahal kahit wala mang pag-asa

2nd Verse: K.I
Alam ko namang mahal mo sya ng labis
tanong ko lang hanggang kailan kaba magtitiis
sa kanya, bat di mo na lamang bitawan sya
ng sa ganun ay di kana lumuluha pa
di ko kayang makitang nahihirapan ka
ng dahil lang sa kanya,
PAKIUSAP LANG iwanan mo na sya
nandito naman ako
nagmamahal sayo ng totoo
hindi katulad nya na pinapaluha lang ang tulad mo
wag kang manghihinayang,
sa lalakeng ikaw mismo ang sinayang
sayang lang ang pagmamahal mong nilaan sa kanya
kung iba naman ang gusto niya

(Repeat Chorus) x2
Sana naman ay ako nalang ang piliin
pakiusap ko sanay ako nalang ang mahalin
dahil ayokong nakikitang nasasaktan ang damdamin mo
sa isang taong di marunong magpahalaga
hinahayaang pumatak ang luha sa mata
nandito lamang ako’t umaasa
patuloy na magmamahal kahit wala mang pag-asa