Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (14 votes, average: 4.93 stars)
Loading...

Tsismis – Siakol Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Tsismis – Siakol

Sa tindahan ni Aling kuwan may mga kababaihan
Dalaga may asawa man nagkakaumpukan
Simbolo ba ng pag kakaisa tulong tulong sama-sama
Oh dahilan ba ng problema ang kapitbahay mong mga tsismosa

[Refrain]
Meron na naman bang bago?
Silang hindi naman apektado
Pati buhay ng may buhay
Kanilang kinakalaykay

At pag tingin mo sas kaliwa, paninira pa rin sa kapwa
Ng mga kalalakihang makakati rin ang dila
Kahit sa tawa’y mamilipit, tuloy pa rin sa panlalait
Akala mo’y may nakamit mga tsismosong dahil sa inggit

[repeat Refrain]

[Chorus]
Ba’t bibili pa ng d’yaryo o makikinig sa radyo
Tumambay lang sa bawat kanto sari-sari pang sikreto
Buksan maige ang ‘yong tenga at ‘wag kang tatanga-tanga
Baka ang topic sa intriga ikaw pala ang bida

Itong si mister at si misis ang hari at reyna ng tsismis
Pag mulat pa lang ng mata naghahanap na ng kaparis
Mga nagtatalsikang laway sa araw-araw hanap buhay
Akala mo’y usapang tunay eh sila sila ang dating magkaaway

[repeat refrain except 2 lines]

Akala mo’y mga malilinis mga isipang madudungis

[repeat Chorus]
[repeat Refrain & Chorus]

Kaya mag ingat ka pag sila’y iyong nakita
Ngumiti kang pang-famas ng di ka ma-broadcast bukas