Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 3.00 stars)
Loading...

Pantasya – Siakol Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Pantasya – Siakol

Sasakay ako sa bangkang gawa sa buwan
Aking lalanguyin ang dagat na mga bituin
Magiging pasyalan naman ang kalawakan
At kung nahihimbing patatangay lang sa hangin

Natatawa ako pagkat ako ay masaya
Bagong bago kasi ang patawa sa eksena
Pakisampal naman ako sa magkabilaan
Para malaman ko na di ako nahihibang

Nais ko lang tumakas sa katotohanan
Sa mundong puno ng katanungan palaisipan
At dadalhin kita roon kahit ika’y wala
Di uso ang luha sa daigdig kong nilikha

Pwede ka bang tumulong at ako’y nawawala
Ba’t di ko na nasasakyan ang buhay sa lupa
Lahat na lang bagay nag babago ang kulay
Putol na ang tulay walang silbing paglalakbay

Anong hiwagat mo’t parang kay tagal tagal mo na
Minsan lang nakita ngunit mahal agad kita
Akalain mong pantasya ko’y magkasama tayo
Sa ayaw mo’t gusto duo’y minamahal mo ko

Nais ko lang tumakas sa katotohanan
Sa mundong puno ng katanungan palaisipan
At dadalhin kita roon kahit ikay wala
Di uso ang luha sa daigdig kong nilikha

Sa daigdig kong nilikha

Sasakay ako sa bangkang gawa sa buwan
Aking lalanguyin ang dagat na mga bituin
Magiging paslayan naman ang kalawakan
At kung nahihimbing patatangay lang sa hangin